Guro, sinurpresa ng bagong laptop ang dating estudyante na humingi ng tulong

Guro, sinurpresa ng bagong laptop ang dating estudyante na humingi ng tulong

- Viral ang post ng isang guro na hindi nagdalawang isip na tulungan ang dati niyang estudyante

- Kwento ng guro, nanghingi ng tulong ang kaibigan ng kapatid ng kanyang estudyante dahil sa nawalan ng trabaho ang mga magulang nito

- Pursigido talaga itong mag-aral at dati nila itong Junior High School Valedictorian, dalawang taon na ang nakalipas

- Naluha talaga ang kanyang dating estudyante na hindi na raw kailangan pang manghiram ng gadget, makadalo lamang sa klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang post ng guro na si Melanie Reyes Figueroa patungkol sa dati niyang estudyante na si Chrisken Simule.

Nalaman ng KAMI na nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Chrisken kaya naman nangailangan sila ng tulong.

Estudyante, napaluha nang mabigyan ng dating guro ng laptop mula sa nalikom na tulong
Photo: Chrisken Simule (from Melanie Figueroa)
Source: Facebook

Kwento ng kanyang dating guro na si Teacher Melanie, isang kaibigan ng kapatid ni Chrisken ang nagparating sa kanya ng paghingi umano ng tulong ng pamilya nito.

Read also

Misis na nagtext lang sa programa ni Tulfo, nagkaroon na ng pambayad sa bahay

Hindi naman nagdalawang-isip ang guro na binisita pa talaga ang dating mag-aaral.

Doon nalamang niya ang sitwasyon nito pagdating sa kanyang pag-aaral. Lumang cellphone ang ginagamit nito sa online class na siyang dahilan para makigamit pa siya ng laptop para sa mga gawain sa paaralan gayung nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo sa kursong Metallurgical Engineering.

Mas lalong humanga ang guro nang malamang sa kabila ng mga kakulangan ni Chrisken sa pag-aaral, kasama pa ito sa Chancellor's List.

Kwento pa ng guro, likas na matalino, masipag at maparaan na ito noong nasa High School pa lamang. Katunayan, Junior High School Valedictorian, dalawang taon na ang nakalipas.

Dahil dito, naisipan ni Teacher Melanie na mag-fundraising para matulungan ni Chrisken.

Sa tulong ng mga kaibigan at dati rin niyang mga naging estudyante, nakalikom siya ng Php40,000 na siyang ipinambili niya ng bagong laptop para sa masipag na estudyante.

Hindi naman naiwasang maging emsyonal ni Chrisken nang matanggap na niya ang laptop. Talagang naluha ito at nagpasalamat sa guro at iba pang tumulong.

Read also

Vice Ganda, ipinarinig sa publiko ang awit na naisulat para sa ABS-CBN

Hindi na raw niya kailangan pang lumabas para manghiram ng laptop ng kaklase sa gabi para makagawa naman ng kanilang activities sa online class.

Ayon pa kay Teacher Melanie, Prepaid wifi at calculator naman ang susunod nilang ibibigay kay chrisken masiguro lamang na maayos pa rin itong makapag-aaral sa kabila ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Chrisken, tunay na kahanga-hanga ang mga mag-aaral na sa kabila ng mga pagsubok ng online class, nagagawan pa rin nila ng paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon.

Ang ilan, tuloy pa rin ang pagiging working student makatulong lamang sa pamilyang lalong naghikahos dahil sa pandemya. Dumidiskarte rin ang iba ng pagdalo ng klase online kahit breaktime lamang nila.

Isa na rito ang nag-viral na delivery rider na nagagawa ang regular na trabaho habang siya ay nasa kolehiyo. Umani siya ng papuri dahil kahit nagtapos na sa pag-aaral, 'di muna siya basta bumitiw sa trabaho habang naghihintay pa ng iba pang oportunidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica