LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paolo Contis ng kanilang larawan sa Instagram

LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paolo Contis ng kanilang larawan sa Instagram

- Inamin ni LJ Reyes na nagulat siya sa biglaang pagbura ni Paolo Contis ng mga larawan nila sa Instagram

- Diretsahan niyang nabanggit na pakiramdam niyang hindi umano siya nirespeto ni Paolo sa ginawang ito

- Nakiusap kasi si LJ na paalisin muna silang mag-iina patungong New York City kung nasaan sila ngayon, bago sana magsalita si Paolo o gumawa ng anuman tungkol sa kanilang hiwalayan

- Labis-labis umano ang sakit na nararamdaman niya ngayon hindi lamang sa sarili kundi para sa mga anak na napalapit nang husto sa dating kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado ang Kapuso actress na si LJ Reyes na nasaktan siya sa ginawa pagbubura ng mga larawan nila ni Paolo Contis sa Instagram.

Nalaman ng KAMI na kasabay din ito ng pag-unfollow ni Paolo kay LJ ay sa lahat ng dati niyang sinusubaybayan sa naturang social media platform.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paulo Contis ng kanilang larawan sa Instagram
Si LJ Reyes at si Paolo Contis
Source: Instagram

Ayon kay LJ nagulat siya sa nangyari gayung nakiusap ito kay Paolo na huwag munang magsasalita o gagawa ng anumang may kaugnayan sa kanilang hiwalayan hangga't hindi pa sila nakakaalis mag-iina patungong Amerika.

"Sobrang nagulat po ako dun, I felt disrespected not just for myself but for my kids."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nasaktan ako kasi yun lang ang hinihiling ko na makaalis kami ng mga bata peacefully. Na kung gusto man niyang sabihin in public, ok lang pero sana po yung wala na kami rito," paliwanag ni LJ.

Kasalukuyan nang nasa New York City si LJ at ang mga anak niyang sina Aki at Summer. Kasama nila roon ang pamilya ng aktres na nasaktan din umano sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng eksklusibong pahayag ni LJ mula sa The Boy Abunda Talk channel:

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang 'mutual decision' ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Agosto 31, nang lumabas ang 'teaser' ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes kung saan kinumpirma na nito ang paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel