LJ Reyes, pinabulaanang 'mutual decision' ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

LJ Reyes, pinabulaanang 'mutual decision' ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

- Pinabulaanan ni LJ Reyes na mutual umano ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

- Naniniwala umano siya na dapat pareho silang sumang-ayon sa desisyong na hindi na maayos pa ang kanilang relasyon noon

- Ngunit aminado si LJ na siya ang nakapansin na tila iba na umano si Paolo at pakiramdam niyang hinihintay na lamang umano nito sa kanya mismo manggaling

- Late last year pa umano nang mapansin niyang lagi na raw lumalabas ang dating home buddy na Paolo Contis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Itinanggi ni LJ Reyes na 'mutual' umano ang desisyon nila ni Paolo Contis patungkol sa kanilang paghihiwalay.

Nalaman ng KAMI na si Lj na lamang mismo ang nag-kompronta kay Paolo gayung matagal na niyang napapansin ang mga pagbabago sa mga ikinikilos at ginagawa nito.

“Hindi siya mutual kasi naniniwala po ako na ‘pag mutual ang desisyon, pareho kayong agree]na hindi na nag-work yung relationship,” paliwanag ni LJ sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

LJ Reyes, pinabulaanang 'mutual decision' ang hiwalayan nila ni Paolo Contis
Si LJ Reyes kasama si Paolo Contis
Source: Instagram

Late last year pa raw napapansin ni LJ na madalas nang lumabas ng bahay ang dating 'home buddy' na si Paolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pansin din umano niyang tila hinihintay na lamang nito na sa kanya manggaling ang desisyon kaya naman diretsahan na niya iton natanong.

“Ako po yung nagsabi na parang nasa ibang mundo na po siya at parang pakiramdam ko, inaantay lang niya na manggaling sa’kin,”
“Ramdam na ramdam ko po na ibang-iba na.”

Labis umano siyang nasaktan sa sinapit ng kanyang relasyon sa aktor na nilarawan niyang 'so difficult at so painful'.

“Kung ‘di matibay pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa’kin to stand up and wake up every day, di ko alam sa’n ako pupulutin,” emosyonal na pahayag ni LJ.

Read also

LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paolo Contis ng kanilang larawan sa Instagram

Kasalukuyan nang nasa New York City si LJ kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Kapiling na nila roon ang pamilya ni LJ na labis ding nasaksaktan sa pinagdaraanan ng aktres.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni LJ na mapapanood sa The Boy Abunda Talk channel:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Agosto 31, nang lumabas ang 'teaser' ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes kung saan kinumpirma na nito ang paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel