Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"
- Hindi raw makapaniwala si Mura sa biglaang pagpanaw ng kanyang kaibigan na si Mahal
- Inakala niyang fake news lamang ang balita hanggang sa kumpirmahin umano ito ng vlogger sa kanilang lugar
- Hindi lubos akalain ni Mura na ang pagpunta ni Mahal sa kanyang kinaroroonan sa Albay ay huli na nilang pagkikita
- Malakas daw kasi ito nang bumisita sa kanya at sobrang saya nang mga panahong iyon na hindi na pala muling mauulit kailanman
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi agad na naniwala si Mura na pumanaw na ang kanyang kaibigan na si Mahal nitong Agosto 31.
Nalaman ng KAMI na inakala pa ni Mura na fake news lamang ang hindi magandang balita tungkol sa kanyang kaibigan na nagawa pa siyang bisistahin, ilang linggo bago ito namayapa.
Ayon sa ABS-CBN News, nakumpirma lamang ni Mura na totoong wala na ang kaibigang si Mahal nang sabihin ito ng vlogger sa kanilang lugar.
"Nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya nag-post ang kapatid na si Irene," pahayag ni Mura.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nilarawan ni Mura na malakas ang kanyang kaibigan nang dalawin siya nito at labis silang nagkaroon ng kasiyahan lalo na at doon pa ito natulog sa kanila mismong tahanan.
"Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito... Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam. Ang saya-saya namin dito eh"
Sadyang marami ang nalulungkot sa biglaang pagpanaw ni Mahal lalo na at marami ang naantig ang puso sa ginawa nitong pagtulong at pagbisita kay Mura.
Sa ulat ng GMA News, nasabing hindi muna umano tatanggap ng interview ang pamilya ni Mahal at hindi pa umano kaya ng mga ito na humarap sa publiko.
Bukod kay Mura, marami ang nagulat mapa-artista man o hindi sa biglaang pagpanaw ng munting komedyante. Sa ulat ng Bandera, marami ang agad na nagpadala ng taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng komedyanteng minsang nagpasaya sa kanila.
Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino. Isa na rito ang pagbisita niya sa kaibigang si Mura sa Bicol.
Source: KAMI.com.gh