Mura, pinasalamatan ang yumaong kaibigan: "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon"
- Emosyonal na pinasalamatan ni Mura ang pumanaw na kaibigang si Mahal
- Hindi pa raw ito agad na naniwalang wala na si Mahal gayung kakabisita pa lamang nito sa kanya, ilang linggo lang ang nakalilipas
- Susunduin na raw sana siya ni Mahal para magkasama sila sa mga vlog na kanilang gagawin
- Kaya naman laking gulat niya nang namayapa na ang kaibigan at ang pagbisita nito ang huli nilang pagkikita
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aminadong hindi agad na naniwala si Mura na namayapa na ang kanyang kaibigang si Mahal.
Nalaman ng KAMI na labis-labis din ang pasasalamat nito sa kanyang kaibigan na bumisita sa kanya, para mag-abot ng tulong ilang linggo bago ito pumanaw.
Sa ulat ng ABS-CBN, walang ibang hiling si Mura kundi sana'y masaya pa rin si Mahal kung saan man ito naroon sa ngayon.
"Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gustuhin man sana ni Mura na makita sa huling pagkakataon ang kaibigan, hindi niya ito basta magawa sa hirap ng kalagayan dala pa rin ng COVID-19. Kaya naman nagpaabot na lamang siya ng pakikiramay sa mga naulila ng kaibigan.
"At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako, gustuhin ko man na pumunta diyan pero papaano, mahirap ngayon eh. Pasensya na po"
Naikwento tin ni Mura na susunduin pa naman sana siya ni Mahal para magsimula nang mag-vlog. Ngunit kailanma'y hindi na ito magaganap dahil sa biglaang pagpanaw ng mabuting kaibigan.
"Meron na sana kaming gagawin lalo na pelikula, eh hindi ko pa talaga siya nakasama sa pelikula sa mga ano lang gag show sa TV kasama ko siya pero sa pelikula never ko pa siyang nakasama"
Sadyang marami ang nalulungkot sa biglaang pagpanaw ni Mahal lalo na at marami ang naantig ang puso sa ginawa nitong pagtulong at pagbisita kay Mura.
Sa ulat ng GMA News, nasabing hindi muna umano tatanggap ng interview ang pamilya ni Mahal at hindi pa umano kaya ng mga ito na humarap sa publiko.
Bukod kay Mura, marami ang nagulat mapa-artista man o hindi sa biglaang pagpanaw ng munting komedyante. Sa ulat ng Bandera, marami ang agad na nagpadala ng taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng komedyanteng minsang nagpasaya sa kanila.
Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.
Samantala, si Allan "Mura" Padua naman ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.
Ang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang unang nakakita ng sitwasyon ng Mura sa Bicol. Inabutan niya ito ng tulong at ibinahagi sa publiko ang kalagayan ng dating komedyante.
Source: KAMI.com.gh