Kiko Estrada, naka-unfollow kay Heaven Peralejo sa Instagram

Kiko Estrada, naka-unfollow kay Heaven Peralejo sa Instagram

- Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa girlfriend nitong si Heaven Peralejo

- Burado na rin ang mga pictures nilang magkasama na kamakailan lang ay ibinahagi niya sa Instagram

- Umani ng reaksiyon ang ginawang ito ni Kiko lalo at kamakailan lamang nila isinapubliko ang kanilang relasyon

- Ang mga ganitong senyales ang kadalasang palatandaan sa mga hiwalayan sa mga artista base sa mga nangyari sa iba pang magkasintahan na nagkahiwalay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling naging sentro ng kontrobersiya at usap-usapan sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo kasunod ng pag-unfollow ng aktor kay Heaven sa Instagram.

Bukod dito ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang pagbura ng aktor sa mga pictures nilang magkasama na kamakailan lang ay ibinahagi niya sa Instagram.

Read also

Heaven Peralejo, nag-post ng laughing emoji kasunod ng pag-unfollow ni Kiko Estrada sa kanya

Kiko Estrada, naka-unfollow kay Heaven Peralejo sa Instagram
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Hindi tuloy maiwasang mapaisip ang mga netizens kung ano ang dahilan sa likod ng pag-unfollow niya at pagtanggal ng mga pictures nilang magkasama.

Isa ito sa mga palatandaan sa mga naghihiwalay na artista kung pagbabatayan ang mga kaganapan sa mga nagkakalabuang magkasintahan sa showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago nga ang kumpirmasyon sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes kamakailan, napansin din ng netizens ang pag unfollow ng aktor at pagkabura ng mga pictures nilang magkasama.

Hanggang sa mismong si Lolit Solis na ang nagkumpirma at nito lang nga ay nagsalita na si LJ para kumpirmahin ang hiwalayan.

Si Kiko Estrada o Jason Joseph Francis Carlos Diaz Ejercito anak ng isang retired actress. Anak siya ng aktor na si Garry Estrada.

Taong 2018, nang lumabas ang balita tungkol sa namumuong pagtitinginan nila ni Devon Seron. Matapos silang mamataang magkasama ng maraming beses ay inamin ng aktor ang tungkol sa kanilang relasyon noong January 2019.

Read also

Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens

Matatandaang nagsalita din si Devon tungkol sa kanila ni Kiko matapos maintriga dahil namataan silang magkasama at magka hawak-kamay habang naglalakad sa isang shopping mall noong Agosto ng taong 2018.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel