Heaven Peralejo, nag-post ng laughing emoji kasunod ng pag-unfollow ni Kiko Estrada sa kanya

Heaven Peralejo, nag-post ng laughing emoji kasunod ng pag-unfollow ni Kiko Estrada sa kanya

- Kasunod ng pag-unfollow ni Kiko Estrada kay Heaven Peralejo sa Instagram, marami ang naintriga kung may pinagdadaanan ang magkasintahan

- Marami ang nakapansin na maging ang mga pictures nila sa Instagram ni Kiko ay burado na rin

- Sa halip na magsalita kaugnay sa isyu, isang simpleng laughing emoji lang ang ibinahagi ni Heaven sa Twitter

- Matatandaang kamakailan lang isinapubliko nina Heaven at Kiko ang tungkol sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling naging usap-usapan ang magkasintahang sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada kasunod ng pag-unfollow ni Kiko kay Heaven sa Instagram. Burado na rin ang mga pictures nilang magkasama sa Instagram feed ng aktor.

Heaven Peralejo, nag-post ng laughing emoji kasunod ng pag-unfollow ni Kiko Estrada sa kanya
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Kasunod nito ay tanging laughing emoji lamang ang ibinahagi ni Heaven sa kanyang Twitter. Naging palaisipan tuloy sa mga netizens kung sinadya nila ang pangyayari.

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nila ang kanilang relasyon at hindi nag-atubili si Kiko na magsalita upang linawin ang kanilang pangalan ni Heaven sa akusasyong cheating.

Read also

Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens

Kaugnay ito sa dati niyang karelasyon na si Devon Seron. Nilinaw ni Kiko na hindi umano niya pinagsabay ang dalawa dahil nag-break muna sila ni Devon bago nagong sila ni Heaven.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa ginawang pag-unfollow ni Kiko, may mga napaisip kung nagkahiwalay na ba sila.

Ang Kapamilya aktres na si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati . Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Read also

Kiko Estrada, naka-unfollow kay Heaven Peralejo sa Instagram

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel