Zeinab Harake, ibinahagi ang bonggang 1st photoshoot ng kanyang 'Baby Bia'

Zeinab Harake, ibinahagi ang bonggang 1st photoshoot ng kanyang 'Baby Bia'

- Sa pagdiriwang ng first month ng anak ni Zeinab Harake na si Bia, bonggang photoshoot agad ang ginawa nila

- Dinamitan nila ito bilang si 'Princess Aurora' o si 'Sleeping Beauty'

- Super cute ng kinalabasan ng mga larawan ni Bia kahit madalas siyang gising gayung siya dapat si 'Sleeping Beauty'

- Tila magiging monthly na ang pagsasagawa ng photoshoot ni Bia ayon sa kanyang mommy na si Zeinab upang maganda ang magiging throwback pictures nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

One month old na ang baby nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si 'Baby Bia.'

At dahil isang buwan na siya, isang bonggang photoshoot ang hinanda ng kanyang mommy Zeinab para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na sa pinakaunang photoshoot ni Baby Bia, ginawa nila itong si 'Princess Aurora' o mas kilala bilang si 'Sleeping Beauty.'

Read also

Toni Gonzaga, inaming na-insecure sa ibang artista ngunit 'di kailanman sa kapatid na si Alex

Zeinab Harake, ibinahagi ang bonggang 1st photoshoot ng kanyang 'Baby Bia'
Photo: Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Super cute ang mala-prinsesang si Baby Bia kahit madalas itong gising sa buong shoot.

Kaya naman nagtulungan na ang kanyang parents na mapatulog siya gayung 'sleeping beauty' pa naman ang kanyang costume.

Tila magiging monthly na rin ang photoshoot ni Baby Bia. Gusto kasi ni Zeinab na magaganda ang mga magiging throwback pictures ng kanyang anak na sa unang buwan pa lang ay bonnga na talaga.

Narito ang kabuuan ng photoshoot na ibinahagi sa YouTube Channel ni Zeinab Harake:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.6 million YouTube subscribers.

Isang buwan na ang nakakaraan nang isilang ni Zeinab ang unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Matatandaang sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin nitong siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si "Bia," naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel