Toni Gonzaga, inaming na-insecure sa ibang artista ngunit 'di kailanman sa kapatid na si Alex

Toni Gonzaga, inaming na-insecure sa ibang artista ngunit 'di kailanman sa kapatid na si Alex

- Sa panayam ng vlogger na si Wil Dasovich kay Toni Gonzaga, inamin nitong na-insecure siya sa ibang artista o nakakatrabaho

- Ngunit ang insecurity na iyon ay hindi kailanman niyang naramdaman sa kapatid na si Alex Gonzaga

- Mula pagkabata ay magkasangga na sila at sanay sila 'mag-share' sa anumang bagay lalo na at dadalawa lamang sila

- Tanggap din umano ni Toni kung nagawa man siyang 'stepping stone' ng kapatid sa tinatamasa rin nitong tagumpay sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Diretsahang sinabi ni Toni Gonzaga na hindi kailanman siya na-insecure sa kapatid na si Alex.

Ito ay matapos siyang tanungin ng vlogger na si Wil Dasovich kung nakaaapekto ang pag-usbong ng career ni Alex sa kanya.

Ayon kay Toni, masaya pa siya na maging 'stepping stone' ng kapatid sa anumang tinatamasa nitong tagumpay sa ngayon.

Read also

Bea Alonzo, inamin kay Jessica Soho na hindi pa niya kayang magpatawad

Toni Gonzaga, inaming na-insecure sa ibang artista ngunit 'di kailanman sa kapatid na si Alex
Photo: Toni Gonzaga with Daddy Bonoy, Mommy Pinty and Alex (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Ngunit paglilinaw ni Toni: "I will only do that for my sister."

Inamin din ni Toni maaring nakaramdam siya ng insecurity sa ibang artista at sa mga nakatrabaho niya ngunit hindi sa kapatid na si Alex.

Isa sa mga nabanggit niyang rason ay ang pagpapalaki umano sa kanila ng kanilang magulang.

"Never sinabi ng parents namin especially my dad na kaaway mo ang sister mo o kalaban mo ang sister mo, because our parents always tell us na If there's one person na hindi mo dapat magiging kaaway mo sa buong mundo that is your sibling, that is your sister"

Sinabi rin ni Toni na bata pa lamang sila, sanay na umano silang mag-share sa anumang bagay. Kaya naman masasabi niyang ang tagumpay niya ay tagumpay din ni Alex

"We grew up thinking what you have is mine, and what I have is yours"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Toni mula sa YouTube channel ni Wil Dasovich:

Read also

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Noon, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel