Toni Gonzaga sa YT channel sana nila ni Alex: "Feeling ko, I'm a boring person"

Toni Gonzaga sa YT channel sana nila ni Alex: "Feeling ko, I'm a boring person"

- Ikinuwento ni Toni Gonzaga na magkasama sana sila sa YouTube channel ng kapatid na si Alex Gonzaga

- Hindi ito natuloy kaya nauna nang magkaroon ng channel si Alex na labis na kinagigiliwan ng mga netizens

- Isa sa rason ni Toni noon ay ang pagkakaroon niya ng mga regular TV shows sa ABS-CBN

- Naisip din niya ang pagkakaiba umano ng kanilang personalidad at hindi siya kasing "loud" ng kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi agad nakumbinsi si Toni Gonzaga na magkaroon ng sarili niyang YouTube channel. Isa ito sa mga naikuwento niya sa panayam sa kanya ni Wil Dasovich.

Nalaman ng KAMI na magkasama pala dapat sina Toni at ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga sa YouTube channel na kanyang ginawa noon pang 2017.

Ayon kay Toni, ang girlfriend ng kapatid ng asawa niyang si Paul ang nagbigay ng ideya kay Alex na magkaroon ng sariling YouTube channel.

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Toni Gonzaga sa YT channel sana nila ni Alex: "Feeling ko, I'm a boring person"
Photo: Toni G with Daddy Bonoy, Mommy Pinty and sister Alex (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nawalan noon ng proyekto ang kapatid sa ABS-CBN na labis nitong dinamdam.

"2017, she was in my house nasa dining area kami and wala na siyang show, tinanggalan na siya ng show sa network namin. And she got so depressed she was so down"

Kinulit pa raw siya noon ni Alex na magkasama sila sana sa YouTube channel na iyon ngunit dahil sa mga regular shows niya noon, hindi siya agad nakumbinsi.

"What will I do there? I'm busy with my mainstream job sa television and movies and all that. And then she was saying 'kasi kung ako lang walang manonood sa'kin kailangan kita," pahayag ni Toni.

"Hindi ako pang-YouTube kasi feeling ko in person or in real life, I'm a boring person," dagdag pa niya.

At dahil hindi siya nakumbinsi ng kapatid, pinaunlakan na lamang niya ito na siya ang maging unang guest nito sa pinakaunang vlog na inilabas ni Alex sa kanyang channel.

Read also

Ryan Bang, nakipag-collab kay Herlene Budol sa isang vlog

Taong 2019, nagkaroon na rin ng sariling YouTube channel si Toni. Mayroon na rin siyang mahigit 3 million subscribers.

Magkaiba man sila ng konsepto ng mga content ng kanyang kapatid, isa na rin ang kanyang mga video sa pinakaabangan sa YouTube dahil sa mga aral sa buhay na napupulot ng kanyang mga manonood sa mga kinakapanayam niya sa kanyang channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Read also

Lalaking kasama ni Rabiya Mateo sa kanyang IG post, napagkamalang ama ng beauty queen

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Noon, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel