Lalaking kasama ni Rabiya Mateo sa kanyang IG post, napagkamalang ama ng beauty queen

Lalaking kasama ni Rabiya Mateo sa kanyang IG post, napagkamalang ama ng beauty queen

- Marami ang nakapansin sa Instagram post ni Rabiya Mateo na may kasama siyang isang lalaki

- Inakala talaga ng marami, na ito na ang hindi pa nakikilalang ama ni Rabiya kaya naman natuwa ang marami para sa beauty queen

-Malinaw naman sa caption ng larawan na ang lalaki ay Hollywood director

- Sa post, mapapansin lilisanin na ni Rabiya ang Amerika at inaasahang pabalik na ito ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nakapansin sa Instagram post ni Rabiya Mateo kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Nalaman ng KAMI na na-excite ang mga netizens sa pag-aakalang ito na ang ama ni Rabiya na hindi pa talaga niya nakikilala.

Sa post ng Miss Universe Philippines 2020 ngayong Hunyo 29, ikinuwento niya na ang lalaking ito ay ang Hollywood director na si Cyrus Nowrasteh.

Read also

Ate Gay, inaming 'may attitude' siya; "Pero mali pala 'yon"

Lalaking kasama ni Rabiya Mateo sa kanyang IG post, napagkamalang ama ng beauty queen
Photo: Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: UGC

Ani Rabiya, maswerte umano siyang nakasama niya ito sa dinner.

"I was privileged enough to have a dinner with Hollywood Director @nowrastehcyrus,"

Si Nowrasteh ang direktor ng "The Young Messiah" at iba pang makabuluhang pelikula.

Ngunit kahit maayos na ipinaliwanag ni Rabiya kung sino ang kasama sa larawan, marami pa rin ang nag-akala na ito na nga ang kanyang ama na hindi pa niya nakikila mula pagkabata.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"I really thought he's your father, ansaya mo siguro"
"OMG! Akala ko talaga dad mo at nahanap mo na siya"
"Is he your dad? I'm so happy for you Miss Rabiya"
"Kung hindi po pa binasa yung caption aakalain ko talaga na siya na yung tatay mo"
"Akala ko 'yan na 'yung moment na pinakahihintay mo."

Samantala, mapapansin sa post na kuha umano ang larawan, isang araw bago lisanin ni Rabiya ang Amerika.

Kaya naman inaasahan na ang pagbabalik ng beauty queen sa bansa.

Read also

Nadine Lustre, sinabing hindi niya obligasyong mamansin ng taong 'di niya kilala

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong Octubre ng nakaraang taon. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon.

Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Matatandaang matapos ang Miss Universe pageant ay nanatili pa rin sa USA si Rabiya upang magpaunlak ng ilang mga 'Meet and Greet' sa iba't ibang mga Filipino community sa Amerika.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel