Rabiya Mateo, kumanta ng "Only Reminds Me of You" sa isang Meet and Greet event

Rabiya Mateo, kumanta ng "Only Reminds Me of You" sa isang Meet and Greet event

- Napakanta si Rabiya Mateo sa isang Meet and Greet event na ginanap sa California

- Sa kanya mismong Instagram, ibinahagi ni Rabiya ang kanyang song number

- Bihira at tila ito ang unang beses na nakita at narinig ng publiko na kumanta si Rabiya

- Ang ilan, tila napaisip pa kung mayroon ba siyang pinag-aalayan ng kanyang awitin na "Only Reminds Me of You"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ginulat ni Rabiya Mateo ang publiko nang magpaunlak siya ng isang song number sa Meet and Greet event na ginanap sa Fremont, California Sa Amerika.

Nalaman ng KAMI na napakanta si Rabiya ng "Only Reminds me of you" ng St. Paul na pinasikat din ng MYMP.

Rabiya Mateo, kumanta ng "Only Reminds Me of You" sa Meet and Greet event
Photo: Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: UGC

Game na game ang naging pambato ng pambansa sa Miss Universe 2020 na kumanta sa naturang event kung saan nakasalamuha niya ang ilang Filipino community na naroon.

Read also

Dating service crew, ipinagmamalaki pa rin ang Jollibee sa kabila ng kontrobersiya

Samantala, hindi naman nakawala sa mapanuring mga netizens ang kanta na tila "hugot" ng beauty queen sa kasalukuyang estado ng love life niya ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Para kanino po yan Miss Rabiya? Kinilig po ako"
"I love that song and I know the lyrics. Bagay nga sa love life mo ngayon Ibyang"
"Aww, kinilig ako and at the same time nalungkot. Hug Rabiya"
"Only reminds me of you talaga, sad song pero nice voice Rabiya!"
"Ang dami ng songs yan pa talaga? May hugot Ibyang? Anyway, cute ka pala kumanta ah"

Narito ang kabuuan ng video sa ikaapat na bahagi ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

10-anyos na Pinoy, pinabilib ang judges sa America's Got Talent 2021

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasalukuyan pa ring nasa Amerika si Rabiya para mapaunlakan ang mga meet and greet events ng mga kababayan natin doon.

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma na ng dating nobyo ni Rabiya na si Neil Salvacion ang kanilang paghihiwalay. Nagawa na rin nilang i-unfollow ang isa't isa sa Instagram.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel