Dating service crew, ipinagmamalaki pa rin ang Jollibee sa kabila ng kontrobersiya
- Viral ang post ng isang dating Jollibee crew na buo pa rin ang suporta sa fast food chain
- Ito ay matapos na kumalat ang reklamo umano ng isang customer na "fried towel" ang natanggap at hindi "Chicken Joy"
- Dating "fryman" ng Jollibee ang uploader at ipinaliwanag niya ang proseso ng pagprito ng Chicken Joy kaya hindi raw niya lubos na maisip na may makakagawa na magluto ng tuwalya
- Sa kabila ng mga pangyayari, mananatili umanong buo ang tiwala at suporta niya sa Jollibee at labis din niya itong pinasalamatan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang post ni Mark Dimla Mijares na nagpakilalang dating naging crew ng Jollibee.
Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Mark kaugnay sa kontrobersya kinakaharap ngayon ng fast food giant dahil sa "fried towel" na nai-deliver sa customer.
Ayon kay Mark, halos hindi siya makapaniwala na mayroong makagagawa ng ganoong klaseng kamalian.
Bilang dati raw na fry man ng Jollibee, alam umano niya na mabusisi talaga ang Jollibee pagdating sa kalidad at kalinisan na rin ng kanilang pagkain.
Idinetalye rin niya ang proseso ng pag-fry ng ChickenJoy na kada bahagi ay may iba't ibang oras kung gaano ito katagal lutuin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman labis siyang nagtaka na hindi nakita umano na tuwalya ang nailagay sa lutuan at hindi manok.
Gayunpaman, sinabi niyang buo pa rin ang tiwalaa at suporta niya sa Jollibee at labis din niya itong pinasalamatan.
Naniniwala rin siyang sa kabila ng naturang isyu, marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa paboritong kainang ng bayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, naglabas na rin ng pahayag ang Jollibee kaugnay sa kontrobersyal na "fried towel."
Ipinasara nito ng tatlong araw ang Bonifacio Stop Over branch na siya umanong nag-serve ng "fried towel." Ito ay upang ma-review at ma-retrain nila ang kanilang mga crew.
Magin ang McDonald's na sinasabing mahigpit na ka-kompetensya ng Jollibee ay naglabas din ng kanilang pahayag at nilinaw na wala umano silang kinalaman sa isa pang post kaugnay sa "fried towel."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh