McDonald's, mariing itinanggi na may kinalaman sila sa Jollibee "fried towel" controversy

McDonald's, mariing itinanggi na may kinalaman sila sa Jollibee "fried towel" controversy

- Naglabas na rin ng pahayag ang McDonald's Philippines tungkol sa Jollibee "fried towel" controversy

- Ito ay dahil sa kumakalat na post na ang matinding ka-kompetensya ng Jollibee umano ang nasa likod ng "fried towel" na nag-viral kamakailan

- Nilinaw ng McDonald's na hindi kailanman sila maglalabas ng ganoong klaseng paninira kanino man

- Marami umano ang nagsasabing marahil na isang uri ng pananabatohe ang naturang post na masasabing kasiraan sa sikat na Pinoy Fast food chain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang McDonald's Philippines kaugnay sa isang post na kumalat matapos ang "fried towel" controversy ng Jollibee.

Ayon sa ulat ng Inquirer, isa muling social media post ang kumalat na nagpapakita ng logo umano ng McDonald's sa isang plato na may fried chicken at may caption na "our competitor threw in the towel."

Read also

Jollibee, naglabas na ng pahayag kaugnay sa viral "fried towel"

McDonald's, mariing itinanggi na may kinalaman sila sa Jollibee "fried towel" controversy
Photo from McDonald's Philippines
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nag-viral umano ito nito lamang Hunyo 3, dalawang araw matapos na mag-viral ang "Chicken Joy" na nagmistula umanong "Towel Joy" dahil tuwalya umano at hindi fried chicken ang nai-deliver sa customer ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Sa pahayag ni McDonald’s Philippines PR and Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez, mariin niyang itinanggi na may kinalaman dito ang McDonald's kahit pa ito ang maituturing na mahigpit na kakompetensya ng Jollibee sa bansa.

Narito ang official statement ng McDonald’s Philippines na naibahagi rin ng OneNews PH:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang June 2, agad na nag-viral ang post nag netizen na si Alique Perez tungkol sa reklamo niya sa Jollibee kaugnay sa "Chicken Joy" na kanilang order ngunit "fried towel" ang muntik na nilang makain.

Read also

PNP Chief Eleazar, gigil na gigil na kinausap ang pulis na namaril ng 52-anyos na babae sa QC

Agad na naglabas ng pahayag ang Jollibee kaugnay sa akusasyon at ipinasara ng tatlong araw ang kanilang Bonifacio Stop Over branch sa BGC para sa review at retraining umano ng kanilang mga staff.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naglabas naman ng mungkahi si Raffy Tulfo kaugnay sa inilabas na pahayag ng Jollibee. Sinabi nitong sana'y gawing Tagalog ang naturang "official statement" gayung masa ang malaking porsyento ng mga customer nito.

Ito ay kanyang suhestyon hindi lamang sa Jollibee kundi maging sa lahat ng kompanya na naglalabas ng kanilang pahayag upang mas madaling maunawaan ng publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica