Raffy Tulfo, ipinata-Tagalog ang pahayag ng Jollibee tungkol sa "fried towel"
- Iminungkahi ni Raffy Tulfo na Tagalugin na lamang ng Jollibee ang inilabas nitong pahayag kaugnay sa kontrobersyal na "fried towel" o "toweljoy"
- Ito ay matapos na maglabas ng official statement ang giant food company kaugnay sa naganap umano sa isa nilang franchised store
- Wikang Ingles ang pahayag ng Jollibee kung saan hindi umano madaling maunawaan ng karamihan
- Ayon kay Tulfo, masa ang kadalasang customer ng paboritong kainan ng mga Pinoy kaya sana raw ay tinagalog na lamang nila ang naturang pahayag
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nanawagan si Raffy Tulfo sa Corporate Communications ng Jollibee para maisa-Tagalog na lamang umano ang inilabas nilang pahayag kaugnay sa kontrobersyal na "Fried Towel."
Nalaman ng KAMI na noong Hunyo ng 2 ng gabi, naglabas ng pahayag ang Jollibee tungkol sa reklamo umano ng isa nilang customer na "TowelJoy" at hindi "ChickenJoy" ang naideliver sa kanila.
Paliwanag ni Tulfo, masa umano ang kadalasang customer ng naturang giant food company. Mas mainam umano kung sa wikang Filipino o Tagalog ipinaliwanag ng Jollibee ang kanilang pahayag upang mas madaling maunawaan ng nakararami.
"Ang inyo pong mga customer, karamihan po ay masa. So bakit pa po kailangan niyong inglesin?"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"So baka pwede po next time mag-issue kayo ng Tagalog naman na para madaling maintindihan ng inyong mga customer."
Nilinaw ni Tulfo na ang naturang suhestyon ay hindi lamang sa Jollibee kundi maging sa ibang mga kompanya sa bansa na naglalabas ng kanilang mga official statement.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Tulfo mula sa kanyang Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon sa mga sumbong ng naaping kababayan, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh