Jollibee, naglabas na ng pahayag kaugnay sa viral "fried towel"
- Naglabas na ng pahayag ang Jollibee kaugnay sa viral "fried towel" na ibinahagi ng isang customer
- Agad umanong pina-imbestigahan ng Jollibee ang naturang insidente na naganap sa kanilang Bonificio-Stop Over Store
- Dahil sa pangyayari, ipasasara ng tatlong araw ang nasabing branch upang ma-review at ma-retrain ang kanilang team at masigurong hindi na mauulit pa ang nasabing insidente
- Nagpadala na rin sila ng paalala sa lahat ng kanilang stores kaugnay sa strict adherence ng kanilang food preparation systems
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Jollibee Foods Corporation kaugnay sa nag-viral na post ng isang customer kung saan napalitan umano ng "fried towel" ang dapat na "fried chicken" na order nila sa Jollibee.
Nalaman ng KAMI na labis naalarma ang publiko dahil sa post ng netizen na si Alique Perez nitong June 1 kung saan hindi lamang larawan kundi video ang ipinakita nito na "towel" nga ang nai-deliver sa kanila na dapat sana'y "ChickenJoy."
Sa Facebook page ng Jollibee, sinabing agad nilang pinaimbestigahan ang naturang insidente na naganap umano sa kanilang franchised store sa Bonifacio Global City.
"It is unfortunate that deviation's from Jollibee's stantard food preparation procedure occurred on the part of a certain personnel of the store."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil sa pangyayari, tatlong araw na ipasasara ang Bonifacio-Stop Over branch simula Hunyo 3 upang ma-review at ma-retrain ang team ng naturang store at masigurong hindi na muling mangyari ang nag-viral na insidente.
"We at Jollibee are committed to take the necessary steps to maintain the trust and loyalty that our customers have given us thoughout the years."
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa kabila ng pangyayaring ito, matatandaang isang ginang sa Quezon ang natulungan ng manager ng Jollibee dahil tila hindi na nito alam kung saan siya uuwi.
Nag-viral din ang larawan ng isang crew ng Jollibee matapos na makunan ito ng larawan na umiiyak dahil umano sa isang customer na nanigaw sa kanya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh