Amber Restaurant, tinapatan ang Php15,000 na bilaong ibinibenta online sa Amerika

Amber Restaurant, tinapatan ang Php15,000 na bilaong ibinibenta online sa Amerika

- Kinagiliwan ng mga netizens ang post ng Amber Golden Chain of Restaurants tungkol umano sa kanilang "bilao"

- Tila tinapatan kasi nito ang nag-viral na bilaong ginagawang home decor sa Amerika sa halagang Php15,000

- Sa Amber, Php1,350 lamang daw ang halag ang bilao na may kasamang walong klase ng pansit

- Mayroon nang 10,000 na reactions ang post ng Amber restaurant at 5,800 narin ang shares ng natuang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila tinapatan ng Amber Golden Chain of Restaurants ang nag-viral na bilao ng Pottery Barn kamakilan.

Matatandaang naloka ang mga Pinoy sa presyo ng bilao na Php15,000 at tinawag nilang "Bamboo Wall Art."

Amber Restaurant, tinapatan ang Php15,000 na bilaong ibinibenta online sa Amerika
Photo: Bilao
Source: Instagram

Sa social media post ng Amber restaurant, makikita rin ang larawan ng mamahaling bilao habang nasa ibabang larawan naman ang "pancit" bilao nila.

Sa halagang Php1,350, walong klase na ng pancit sa biloo ang nilalaman ng kanilang bilo.

Read also

Puregold, itinama na ang viral poster na bawal ang mga"16-65 anyos" sa store

Kaya naman labis itong ikinatuwa ng mga netizens at sinabing bukod sa mas mura ang sa Amber, mabubusog pa sila sa lamang pansit nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ay panalo itong sa Amber, walong pancit sa halagang 1,350 tapos 'pag naubos, saka gawing wall decor yung bilao"
"Ang kulit ng Amber! oo nga naman sa kanila may kasama pang pancit, mabubusog ka pa, may wall decor ka na rin.
"Haha 'dun na tayo sa may papansit, tutal pag naubos naman yan, isasabit talaga ni mama yung bilao"
"Amber, kulang pa po ng pichi-pichi sana sa gitna ng bilao para mas masaya!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming Pinoy netizens ang naloka nang makita kung gaano kamahal ang isang bilao na ibinibenta sa 'Pottery Barn' website sa Amerika.

Read also

Lalaking nag-iikot sa BGC at may karatulang "Check on your friends", hinangaan

Nilarawan din nila ito na "impressive woven art piece made from bamboo."

"Imported" din daw umano ito kaya naman tumataginting na $299 o Php15,000 ang halaga ng isang pirasong bila na ito na may 42 pulgada ang sukat.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang bilao ay isang uri ng bilog at mababaw na uri ng basket. Masinsin ang pagkalala nito na karaniwang ginagamit sa pagtatahip ng bigas o palay.

Nagsisilbi rin itong lagayan ng gulay at prutas. Sa panahon ngayon, madalas ding gamitin ang bilao bilang lagayan ng mga maramihang panghanda tulad ng pansit, kakanin at iba pang pagkain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica