Bilao, ipinagbibili sa halagang $299 sa Amerika bilang wall decor
- Gumulantang sa maraming Pinoy ang bilao na umano'y ipinagbibili sa Amerika sa halagang $299
- Ginagawa nila itong wall decor lalo na at nilarawan nila ito bilang isang 'work of Art'
- Nakasaad din na imported umano ang tinawag nilang "handcrafted from bamboo"
- Dahil dito, maraming netizens ang nagnanais na ibenta na rin umano ang mga naipon nilang bilao sa kanilang tahanan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming Pinoy netizens ang naloka nang makita nila kung gaano kamahal ang isang bilao na ibinibenta sa 'Pottery Barn' website sa Amerika.
Nalaman ng KAMI na ang bilao na lagayan ng "big order" ng pansit sa Pilipinas o ginagawang props sa mga sayaw ng mga estudyante sa paaralan at ibinibenta bilang isang wall decor.
Tinagurian itong "Bamboo Wall Art" ng American home furniture website.
Nilarawan din nila ito na "impressive woven art piece made from bamboo."
"Imported" din daw umano ito kaya naman tumataginting na $299 o Php15,000 ang halaga ng isang pirasong bila na ito na may 42 pulgada ang sukat.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga nakakatuwang reaksyon ng Pinoy netizens:
"Ganyan na pala ang bentahan ng bilao, teka meron akong 10 dito so may Pho150,000 na agad ako?"
"Bongga ng bilao ah, props lang namin yan sa cultural presentation e grabe benta ko kaya"
"Uy, we should be proud isipin niyo 'work of art' na ating mga bilao"
"Sana yung mga gumagawa talaga ng bilao dito sa Pilipinas ganyan kalaki ang kinikita"
"Papabili ako ng maraming pansit kay mama tapos yung bilao ibebenta ko ng Php15,000"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang bilao ay isang uri ng bilog at mababaw na uri ng basket. Masinsin ang pagkalala nito na karaniwang ginagamit sa pagtatahip ng bigas o palay.
Nagsisilbi rin itong lagayan ng gulay at prutas. Sa panahon ngayon, madalas ding gamitin ang bilao bilang lagayan ng mga maramihang panghanda tulad ng pansit, kakanin at iba pang pagkain.
Ginagamit din ito sa paglalako ng mga kakanin dahil sa matibay itong lagayan at marami ang maisisilid.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh