Gabby Concepcion, game na game na nakipagkulitan kay Kakai Bautista

Gabby Concepcion, game na game na nakipagkulitan kay Kakai Bautista

-Game na game na nakipagkulitan si Gabby Concepcion sa mga co-stars nito sa First Yaya

-Sa isang Instagram video, ipinakita nito ang "the moves" sa pagsayaw

-Kasama nito ang singer-actress na si Kakai Bautista sa naturang video

-Si Gabby ay kasalukuyag gumaganap na presidente ng bansa sa nasabing GMA drama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Game na game na nakipagkulitan sa set ng kanilang TV series ang aktor na si Gabby Concepcion sa mga co-stars nito.

Sa isang Instagram video na ipinost ni Gabby, ipinakita nito ang kanyang "the moves" sa pagsasayaw.

"Just having fun before a grind," ayon sa caption ng Ig post ni Gabby.

Gabby Concepcion, game na game na nakipagkulitan kay Kakai Bautista
Photo: Gabby Concepcion (@concepciongabby)
Source: Instagram

Kasama nito sa video ang singer-actress na si Kakai Bautista na kilalang magaling din sa pagpapatawa.

Maging ang ilan sa mga kasama nila roon ay enjoy na enjoy din sa kakulitan nina Gabby at Kakai.

Read also

'Lola TikTokerist', umabot na sa 40.7 million ang views ng isa niyang dance video

Maraming netizens pa rin ang kinikilig sa kagwapuhan ng beteranong aktor na gumaganap na presidente ng Pilipinas sa GMA Primetime hit na "First Yaya" kasama ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

"love it ang cute lang hahahaha more tiktok pa kuya gabs."

"Hahaha yan si PGA ang gwapo na Ang cute pang sumayaw."

"Gwapo ni daddy Gabby, you are in good shape pa. Work out pa more."

"Ang cute ng solid crushh ko."

"You look so young pa din po talaga..."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kita naman ang masayang bonding ng mga cast ng nasabing drama na madalas nilang ibahagi sa kanilang mga social media accounts.

Sa isa pang video na ibinahagi naman ni Cai Cortez na isa rin sa mga artista sa First Yaya, nagpakilig sina Gabby at Sanya na halata ang chemistry kahit na sa likod ng camera.

Read also

Kaye Abad, masayang binati si Chito Miranda sa gender reveal ng 2nd baby nito

Samantala, sa isa pang post ni Gabby, ibinahagi naman nito ang isang workout video nila ng mga kasamang artista sa locked in taping ng kanilang show.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, kumasa sa isang Tiktok dance video ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil na ginagampanan naman ang karakter ng ina ni Gabby sa First Yaya, kasama sina Kakai Bautista at Cai.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel