'Lola TikTokerist', umabot na sa 40.7 million ang views ng isa niyang dance video
- Marami ang naaliw sa dance moves ni Lola Doren Relacion na binansagan nang "Lola TikTokerist"
- Katunayan, ang isa sa mga videos niya ay mayroon nang 40.7 million views at 4.3 million likes
- Naimbitahan din siya sa 'Bawal Judgemental' ng Eat Bulaga kung saan maging ang mga host ay humanga sa kanyang talento sa pagsayaw
- Ayon kay Lola Doren, hindi raw niya inaasahan na magiging viral ang kanyang video lalo na at nais lamang niyang magpasaya at mag-enjoy sa TikTok
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Talagang marami ang natuwa sa "Lola TikTokerist" na si Doren Relacion na kilalang-kilala na ngayon dahil sa kanyang mga dance moves.
Nalaman ng KAMI na mayroon na siyang 673,000 followers sa kanyang TikTok na @doraydatiktokers.
Katunayan, naimbitahan din siya sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga kung saan napahanga rin niya ang mga host.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nagulat maging ang kanilang "Bossing" na si Vic Sotto nang banggitin nitong may 40.7 million views na ang video ni Lola Doren habang sumasayaw ito ng "Intenso Boom Boom" ng DJ Guugga and DJ Gege. Mayroon din itong 4.3 million likes.
Hindi raw talaga inaasahan ni Lola Doren na marami ang matutuwa sa kanyang "dance moves" lalao na at nais lamang niyang mag-enjoy sa Tiktok.
Naikwento rin niya na noon pa man ay hilig na niya ang pagsasayaw na namana rin ng kanyang anak. Ito rin umano ang nakapag-engganyo sa kanya na gumawa ng mga TikTok Videos.
Sa ngayon, nakararanas na siya ng mga "fans" na nagpapakuha ng picture kasama siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh