Marian Rivera look-alike, pinagkakaguluhan ng Pinoy netizens

Marian Rivera look-alike, pinagkakaguluhan ng Pinoy netizens

- Maraming Pinoy netizens ang nahuhumaling ngayon sa ganda ng isang TikTok user

- Ito ay ang French-Taiwanese na si Lea Dumortier na look-alike ni Marian Rivera

- Ayon pa nga sa dalaga, marami ang nagsasabing kamukha niya ang Pinay celebrity

- Makailang beses pa nga nitong nabanggit sa kanyang mga TikTok videos si Marian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming Pinoy netizens ang nahuhumaling ngayon sa isang dalagang TikTok user.

Ito ay ang French-Taiwanese na si Lea Dumortier na look-alike ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ayon pa nga sa 18-anyos na dalaga, marami ang nagsasabing kamukha niya ang Pinay celebrity.

Marian Rivera look-alike, pinagkakaguluhan ng Pinoy netizens
Photo: Kapuso actress Marian Rivera Dantes (@marianrivera)
Source: Instagram

"because I get so many Marian Rivera comments..." anito sa isang TikTok video na mayroon nang 2.9 million views na!

Biro pa nga ni Lea: "maybe I'm secretly her daughter."

Read also

Netizens, windang sa "eating chicken with class" photo ni Heart Evangelista

"Ganda, Marian na Marian," ayon sa isang netizen.

"May nawawala atang kapatid si Marian," ayon pa sa isa.

Narito pa ang ilan sa mga komento ng mga Pinoy netizens:

"Kamukha nga niya!"

"Ate ka ni Zia."

"Akala ko talaga si Marian."

"Ang laki na ni Zia ah!"

"Shaks! Nalito ako dun ah!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang beses din nitong nabanggit sa kanyang mga TikTok videos ang misis ni Dingdong Dantes.

"nobody asked for this but here’s how to look like Marian Rivera I guess," anito sa isang video nito habang nag-a-apply ng make up. Umabot sa mahigit 50,000 views ang nasabing video.

Sa isa pang video, bukod kay Marian, sinabi rin ni Lea na may mga nagsasabing kamukha rin niya ang Kapuso actress na si Carla Abellana at si Kristine Hermosa Sotto.

Read also

Heart Evangelista, sinagot ang netizen na tinawag siyang "mommy"

Sa isa pang report ng KAMI, hindi naman napigilan ni Marian ang mag-react sa post workout selfie ng kanyang mister na si Dingdong.

Samantala, sweet na sweet sina Marian at Dingdong sa kanilang quality time na ibinahagi ni Marian sa kanyang IG story.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Marian Rivera ay isa sa pinakasikat na aktres sa Pilipinas ngayon. Ikinasal ito sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014 at may dalawang anak, sina Maria Letizia Dantes o Zia at Jose Sixto Dantes IV o Ziggy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel