Veteran actress na si Pilar Pilapil, nakipagkulitan sa co-stars sa "First Yaya"

Veteran actress na si Pilar Pilapil, nakipagkulitan sa co-stars sa "First Yaya"

- Talagang hindi pa rin magpapakabog ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil

- Sa isang video na ibinahagi ni Kakai Bautista, nakipagsabayan sa gilingan si Pilar sa mga co-stars niya

- Pati tuloy ang ilang celebrities at mga netizens, hindi napigilang mag-react

- Isa si Pilar sa mga artistang napapanood sa Kapuso hit na "First Yaya" na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakipagkulitan ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa kanyang mga co-stars na sina Kakai Bautista at Cai Cortez sa isang video.

Sa nasabing video na ibinahagi ni Kakai sa kanyang Instagram account, nakipagsabayan sa gilingan si Pilar at game na game na sumayaw kasama ang dalawa.

Pati tuloy ang ilang celebrities hindi napigilang mag-react katulad nina Cassy Legazpi, Charlie Dizon, Betong at Jen Sevilla.

Read also

Kris Aquino at Bimby, sinorpresa si Miles Ocampo sa kaarawan nito

Veteran actress na si Pilar Pilapil, nakipagkulitan sa co-stars sa "First Yaya"
Photo: Pilar Pilapil with Gabby Concepcion as mother and son in GMA's First Yaya (@thou_ism)
Source: Instagram

Maging ang mga netizens aliw na aliw din sa ipinakitang kakulitan ng aktres na kilala sa kanyang mga serious roles sa telebisyon man o pelikula.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa si Pilar sa mga artistang napapanood sa Kapuso primetime hit na First Yaya na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Gumaganap ito bilang ina ni Gabby na ginagampanan naman ang karakter ng Presidente ng Pilipinas sa nasabing GMA show.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang report ng KAMI, sinagot naman ni Sanya ang isang basher na nagsabing over acting siya sa First Yaya at ikinumpara sa dating Kapamilya drama na "Be Careful With My Heart".

Read also

Ryza Cenon, muling napanood sa Kapuso Network matapos lumipat sa ABS-CBN

"Yung Be Careful With My Heart po, alam ko, balita ko na napakaganda ng teleserye na 'yan pero uunahan po namin kayo na ang First Yaya po at Be Careful With My Heart ay magkaibang-magkaiba po. Sana later on magustuhan mo rin ang First Yaya," ani Sanya.

Isang Tiktok video naman ang ibinahagi ni Sanya kung saan makikitang sumasayaw sila nina Gabby at Pancho Magno na kasama rin nila sa First Yaya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel