Gabby Concepcion at Sanya Lopez, naaktuhang sweet kahit off cam

Gabby Concepcion at Sanya Lopez, naaktuhang sweet kahit off cam

- Kilig pa rin ang hatid ng tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez kahit off-cam

- Game na game na nakipagkulitan ang dalawa sa behind-the-scenes ng GMA hit drama na "First Yaya"

- Gumaganap na presidente ng bansa si Gabby at love interest naman nito si Sanya na yaya ng mga anak nito

- Maraming netizens ang kinilig sa kakaibang chemistry ng dalawang aktor ng Kapuso Network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilig pa rin ang hatid ng tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez kahit sa behind-the-scenes ng pinagbibidahan nilang Kapuso hit drama na "First Yaya".

Sa isang Instagram video na ibinahagi ng GMA Network, nahuling magkahawak-kamay ang dalawa kahit na hindi pa kinukuhanan ng camera.

Nakuhanan ito ng aktres at co-star nila na si Cai Cortez.

Gabby Concepcion at Sanya Lopez, naaktuhang sweet off cam
Photo: First Yaya stars Maxine Medina, Gabby Concepcion and Sanya Lopez (@gmanetwork)
Source: Instagram

"Ay, ay! Ano po 'yun? Ano po 'yon, Mr. President, ano po 'yon?" biro sa dalawa ni Cai.

Read also

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

Game na game namang nakipagkulitan ang dalawa at pinakilig ang marami.

Gumaganap na presidente ng bansa si Gabby at love interest naman nito si Sanya na yaya ng mga anak nito.

Nag-trending kamakailan ang swimsuit scene ni Sanya at umani ng milyon-milyong views online.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming netizens ang kinilig sa kakaibang chemistry ng dalawang aktor ng Kapuso Network.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"ay nkkakilig nman."
"Ang galing ng writer nitooooo ang galing galing din nila gumanap... parang kdrama lang."
"Sweet nman sana all."
"So cute po promise nice chemistry po."
"Kinikilig nman tlga ako sainyo."
"OMG ngayon lang ako kinilig."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa kanyang "wild" na concert sa kanilang kusina

Sa isa pang report ng KAMI, kumasa sa isang Tiktok dance video ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil na ginagampanan naman ang karakter ng ina ni Gabby sa First Yaya, kasama sina Kakai Bautista at Cai.

Isang Tiktok video naman ang ibinahagi ni Sanya kung saan makikitang sumasayaw sila nina Gabby at Pancho Magno na kasama rin nila sa nasabing drama.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel