70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang mag-isang bumubuhay sa pamilya

70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang mag-isang bumubuhay sa pamilya

- Ibinahagi ng isang netizen ang buhay ng lola na naglalako ng merienda

- Nais niya itong matulungan lalo na at may edad na ito ay mag-isa pa rin siyang kumakayod para sa pamilya

- May sakit pa ang kanyang anak kaya hindi makapag-trabaho kaya naman ang ina ang patuloy na kumakayod

- Umaasa ang netizen na marami ang magmamagandang loob na matulungan ang matanda upang hindi na ito maglako pa lalo na at umamin na itong napapagod na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang bumubuhay sa pamilya

Photo from Mangado Lungan Catherine
Source: UGC

Isang netizen ang nagmalasakit na ibahagi ang kwento ng nakilala niyang lola na nagtitinda ng mga merienda.

Nalaman ng KAMI na 70-anyos na ang lola subalit siya pa rin ang mag-isang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Ayon pa sa nagpadala ng kwento na si Mangado Lungan Catherine, 40 taon nang naglalako ang matanda subalit hindi ito makapagpahinga dahil wala siyang ibang aasahan para maghanapbuhay.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Mayroong sakit ang kanyang anak kaya hindi na makapagtrabaho. Kaya kung hindi maglalako ang matanda, wala silang kakainin sa araw-araw.

Narito ang kabuuan ng salaysay ng netizen na si Catherine at umaasa siya na matulungan si Nanay Mameng na umaming napapagod na siyang maglako dala na rin ng kanyang edad:

"Siya po si Nanay Mameng na 70yrs old at hanggang ngayon ay nagtitinda pa rin siya ng kakanin. 40 yrs. na po raw niya itong hanapbuhay at napag-alaman namin na siya na lang ang bumubuhay sa kanilang pamilya gawa na rin na may sakit ang kanyang anak na di na kayang magtrabaho. Umulan o umaraw ay lagi syang naglalako dito sa amin (Taguig).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Minsan nung nakausap namin si nanay ay nabanggit niyang pasuko na siya dahil sa nanghihina na rin daw ang katawan niya. Nais na rin niyang magpahinga ngunit siya nalang talaga ang tumutustos sa pang araw araw nilang mag ina.

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pa matutulungan si Nanay Mameng. Suki na niya kami, Minsan sinosobrahan na lang namin para kahit paano makabawi na siya sa tinda nya. Napakaliit lang ni nanay ngunit napakasipag kaya kung makikita niyo siya sa Taguig/Pateros sana bumili kayo. Malaking tulong sa kanya.

God Bless Nanay Mameng. Dahil sa'yo lalo ko pong na-appreciate ang mga magulang. Handang gawin lahat para lang sa anak.

Sana may makatulong sayo nanay, pasensya na ito lang po ang kaya kong gawin para sayo.

Kung may gusto po tumulong sa kanya. Mas maganda po diretso sa kanya at handa po ako tumulong para hanapin siya."

70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang bumubuhay sa pamilya

Si Nanay Mameng na naglalako sa Taguig at Pateros (Photo from Mangado Lungan Catherine)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong dumaranas tayo ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang mas lalong naghirap ang kalagayan.

Lalong-lalo na iyong mga kababayan nating may edad na na patuloy pa rin sa paghahanapbuhay.

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Mabuti na lamang at mayroon pa ring mga taong may mabubuting kalooban na bagaman at hirap din sila dahil sa krisis bunsod ng COVID-19, naisipan pa rin nilang magbigay tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel