10-anyos na Pinoy, pinabilib ang judges sa America's Got Talent 2021

10-anyos na Pinoy, pinabilib ang judges sa America's Got Talent 2021

- Viral ngayon ang audition video ng 10 taong gulang na si Peter Rosalita sa America's Got Talent 2021

- Proud Pinoy si Rosalita kahit na siya ay ipinanganak sa Abu Dhabi

- Bukod sa husay niya sa pag-awit, labis na natuwa sa kanya ang mga judges na sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum, at Simon Cowell

- Dahil dito, nakatanggap siya ng apat na "yes" at may standing ovation pa ito matapos ang kanyang performance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang sampung taong gulang na si Peter Rosalita nang sumabak ito sa auditions ng America's Got Talent 2021 (AGT).

Nalaman ng KAMI na bagaman at sa Abu Dhabi isinilang si Peter, buong pagmamalaki niya na isa siyang Pilipino.

Bago pa man niya kantahin ang sarili niyang rendition ng "All By Myself" ni Celine Dion, labis nang natuwa sa kanya ang mga judges na sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum, at Simon Cowell dahil sa pagiging "adorable" nito.

Read also

Rabiya Mateo, wala nang ni isang larawan sa Instagram ng kanyang nobyo

10-anyos na Pinoy, pinabilib ang judges sa kanyang audition sa America's Got Talent 2021
Photo: Peter Rosalita (America's Got Talent Live)
Source: Facebook

At nang matapos na nga ang kanyang makapanindig balahibong performance, "standing ovation" ang kanyang natanggap mula sa judges gayundin sa audience ng pinakabagong season ng AGT.

Nilarawan ni Cowell na "Incredible" ang audition na ito ni Rosalita.

“There were parts during that audition which literally gave me goosebumps. You have an amazing voice, an amazing personality, an amazing energy. Everyone is gonna fall in love with you after this audition,” ayon sa kilalang hurado ng AGT.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil din sa labis niyang napabilib ang mga hurado, lahat ng mga ito ay "yes" ang ibinigay sa kanya na nangangahulugang pasok na siya sa next round ng paligsahan.

Mayroon nang 3 million views ang kanyang video sa Facebook page ng AGT habang 300,000 views naman sa YouTube channel nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Nova Stevens, sinabing makailang beses siyang nagpasalamat kay Michael Cinco

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2021, ika-16 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.

Samantala, noong nakaraang taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan.

Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses.

Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng nakaraang AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel