Bruno Mars, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez

Bruno Mars, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez

  • Biyernes, Nobyembre 20, ang pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez sa edad na 74
  • Ibinahagi ng mang-aawit ang isang larawan kung saan yakap niya ang kanyang ama sa kama ng ospital, kasama ang ilang lumang larawan nila noong siya ay bata pa
  • Inilarawan ni Bruno si Hernandez bilang ang taong nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman niya sa musika at tinawag itong pinakamabuting ama sa mundo
  • Nag-iwan ang singer ng isang madamdaming mensahe para sa kanyang yumaong ama kung saan binanggit din niya ang kanyang inang si Bernadette na pumanaw noong 2013

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagluluksa ngayon ang Grammy-award winning artist na si Bruno Mars sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez sa edad na 74. Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng isang Instagram tribute noong Biyernes, Nobyembre 20, bagama't hindi agad isiniwalat ang sanhi ng pagpanaw nito.

Bruno Mars, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez
Bruno Mars, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez (đź“·@brunomars/IG)
Source: Instagram

Kalakip ng post ang larawan kung saan yakap ng mang-aawit ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed, pati na ang ilang lumang larawan nila noong siya ay bata pa. “Last week I got to hug my father one last time,” ani Bruno sa kanyang caption.

Read also

Rico Blanco ibinahagi ang pagpanaw ng kanyang amang si Rene Blanco

Dagdag pa niya, “If you’ve ever seen me talk about him I’ve always said that he’s the man that taught me everything I know, especially when it comes to music.” Inilarawan din niya si Hernandez bilang “greatest dad in the world” habang inaalala kung paano siya at ang kanyang limang kapatid ay pinalaki ng kanilang ama.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, binanggit ni Bruno ang kanyang yumaong inang si Bernadette na pumanaw noong 2013. “I will miss him everyday until we meet again. I Love you Pops. Kiss mom up there for me,” saad pa ng mang-aawit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang panayam noong 2014, nagpahayag din ng paghanga si Hernandez, na may dugong Jewish at Puerto Rican, para kay Bruno at sa iba pa niyang mga anak, kasabay ng pasasalamat sa mga tumulong sa tagumpay ng singer. “I’m the proudest man in the world of Bruno Mars and his brother and sisters,” aniya. “Bruno is the product of a lot of love from all his family. No woman could ever love Bruno as much as his late mother did, and no man could ever love Bruno as much as I love him.”

Lumaki si Bruno Mars, o Peter Gene Hernandez sa totoong buhay, sa Honolulu, Hawaii sa piling ng kanyang amang percussionist at bandleader at ng kanyang Pilipinang ina na si Bernadette San Pedro Bayot. Mula pagkabata ay nahubog na ang kanyang talento sa entablado sa gabay ng kanyang ama. Dahil sa kanyang dugong Pilipino at malapit na ugnayan sa mga tagahanga sa bansa, ilang beses na ring naging usap-usapan si Bruno sa mga viral na balita sa Pilipinas.

Read also

Erik Santos, sumailalim sa vocal rest matapos ang insidenteng ikinabahala ng kanyang mga tagahanga

Noong Oktubre 2024, kinagiliwan ng mga netizen matapos mapansin at i-repost mismo ni Bruno Mars ang video ng kanyang 'KalokaLike' contestant mula sa noontime show na 'It's Showtime.' Hinangaan ng mga manonood ang kalahok dahil hindi lamang nito kamukha ang singer kundi kuhang-kuha rin ang kanyang istilo sa pagkanta. Ibinahagi ni Bruno ang clip sa social media na ikinatuwa ng maraming Pilipinong fans.

Samantala, noong Setyembre 2025 ay naaliw sina Bruno Mars at Rosé ng Blackpink sa isang viral na congratulatory poster mula sa mga Pilipinong fans matapos silang manalo sa MTV Video Music Awards para sa kantang 'APT.' Ibang tao na kamukha lamang ni Bruno ang nakalagay sa tarpaulin kasama si Rosé na nagpatawa sa dalawang stars. Ipinost ito ni Bruno sa Instagram Story gamit ang kantang 'Bebot' bilang background music.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate