Nova Stevens, sinabing makailang beses siyang nagpasalamat kay Michael Cinco

Nova Stevens, sinabing makailang beses siyang nagpasalamat kay Michael Cinco

- Naglabas ng panibagong pahayag si Miss Universe Canada Nova Stevens patungkol sa kontrobersiya kaugnay kay Michael Cinco

- Sa kanyang bagong post, nasabi makailang beses siyang nagpasalamat kay Michael Cinco

- Ipinakita rin ni Nova na makailang beses na rin siyang nakatatanggap ng "racist hate" at "death threat" na hindi umano niya deserve

- Patuloy pa rin siyang humingi ng paumanhin sa naging pagkukulang din umano ng kanyang team

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging "public" ang Instagram account ni Miss Universe Canada Nova Stevens.

Naglabas muli siya ng pahayag ukol sa kontrobersiya sa pagitan ng MGmode o Team Canada at ng kilalang Filipino designer na si Michael Cinco.

Nalaman ng KAMI na ipinakita ni Nova ang umano'y conversation nila ni Cinco kung saan nagpadala pa siya mismo ng video na nagpapasalamat sa designer sa kanyang Instagram post.

Read also

Publicisit ng MGMode Communications, pinanindigan ang kanyang pahayag

Nova Stevens, sinabing makailang beses siyang nagpasalamat kay Michael Cinco
Photo: Nova Stevens (@thenovastevens)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mapapansin ding sumagot ang designer ng "Hello Nova, Thank You"

Nabanggit din ni Nova hindi lamang ito ang unang pagkakataong nagpasalamat siya sa designer dahil makailang beses pa niya itong nabanggit sa mga posts at interviews.

"I have 10 posts that are still up thanking him,not including interviews where I always made sure to mention him,nor the many personal videos thanking him from the bottom of my heart."

Sa kabila umano nito, patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga "racist hate" comments at private messages na kanya ring naibahagi sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Nova Stevens ang pambato ng bansang Canada sa Miss Universe 2020 na ginanap noong Mayo 17 sa Florida, USA.

Read also

Heart Evangelista, sinopla ang nagsabing parang edited ang slim figure niya

Matatandaang sa preliminaries pa lang ng pageant, naging maingay ang pangalan ni Stevens kaugnay sa mga pambabatikos na natanggap nito at karamihan pa sa naibigay niyang halimbawa ay mula sa mga Filipino.

Maging si Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas ay humingi ng paumanhin kay Stevens at makikita pa silang masayang nagkukulitan sa isang viral video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica