Michael Cinco, umalma sa akusasyon ng pananabotahe mula sa kampo ni Miss Canada
- Hindi napigilang umalma ng designer na si Michael Cinco matapos siyang paratangan ng pananabutahe mula sa kampo ni Miss Universe Canada
- Sa kumakalat na screenshot ng post mula sa MGmode Communications, nakasaad na late na umanong dumating ang gown at hindi din maganda ang fitting nito
- Bwelta pa ni Cinco, libre naman ang kanyang naging serbisyo at wala nga siyang natanggap na pasasalamat mula sa team na ito na may hawak kay Miss Canada
- Kaya naman, bumwelta ang Pinoy designer at sinabihan ang kampo ng beauty queen na sa susunod ay magpagawa sila sa sarili nilang designers at huwag magpagawa sa mga Pinoy designers
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na nakapagtimpi ang sikat na designer na si Michael Cinco kasunod ng post ng MGmode Communications, ang team na may hawak kay Miss Universe Canada Nova Stevens.
Ito ay matapos siyang idiin sa umano'y late na pagdating ng gawa niyang gown at hindi din umano maganda ang fitting niyon kay Miss Canada.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Buwelta ni Cinco, nakapagpadala pa sila ng litrato at video kung saan suot ng pambato ng Canada ang mga gawa niyang gown at taliwas umano ito sa kanyang sinasabing "ill-fitting."
Hindi lamang niya sinunod ang instruction sa kanya na gawing 23 inches imbes na 26 na tunay na sukat ng bewang ni Stevens.
Wala din umanong binayad sa kanya ang MGmode sa tatlong taon na siya ang gumagawa ng gown para sa mga kandidata nito.
Sinabi din ng designer na mismong sarili niyang pera ang ginamit sa homecoming ni Stevens at sa photoshoot nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Michael Cinco ay isang kilalang designer sa iba't-ibang panig ng mundo. Taong 1997 nang pumunta si Cinco sa Dubai at matagumpay na nakapagpatayo ng kanyang sariling fashion line noong 2003.
Ilan sa kanyang mga bigating naging kliyente ay sina Beyonce, Rihanna, Lady Gaga, Carrie Underwood, Kylie Minogue, Britney Spears, Christina Aguilera, Ellie Goulding, Nicole Scherzinger, Aishwarya Rai, Fergie Ferguson, Dita Von Teese, Brandy Norwood, Ashanti, Chris Brown, Tyra Banks at Naomi Campbell.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Maging ang dilaw na gown ni Kris Aquino sa pelikulang Crazy Rich Asian ay siya din ang designer. Marami naman sa mga Pinoy celebrities ang humanga sa dinesenyong gown ng designer para kay Miss Canada para sa katatapos lang na Miss Universe 2020 pageant.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh