Nadine Lustre, sinabing hindi niya obligasyong mamansin ng taong 'di niya kilala

Nadine Lustre, sinabing hindi niya obligasyong mamansin ng taong 'di niya kilala

- Sa panayam ni Edwars Barber kay Nadine Lustre, napag-usapan nila ang tungkol sa pakikitungo nila bilang artista sa publiko

- Para kay Nadine, hindi obligasyon ng mga artistang kagaya nila na batiin ang mga tao lalo na kung hindi naman nila ito kilala

- Naikwento niya pa ang tungkol sa isang babaeng kanyang nadaanan na nagsabing suplada siya dahil hindi umano niya ito binati

- Sana daw ay pinansin siya ng naturang babae kung gusto niyang batiin at pansinin siya ni Nadine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Diretsahang sinabi ni Nadine Lustre na hindi niya naiisip na bilang artista ay obligasyon niyang batiin ang lahat ng taong nakakasalamuha o nakakakita sa kanya.

Sa panayam sa kanya ni Edward Barber, sinabi niyang tao lang din ang mga artista na may damdamin. Kaugnay ito sa mga nasasabi sa kanila sa mga pagkakataong hindi nila napapansin ang ibang tao.

Read also

Andi Eigenmann at kanyang pamilya, nagpasabog ng good vibes sa mga netizens

Nadine Lustre, sinabing hindi niya obligasyong mamansin ng taong 'di niya kilala
James Reid and Nadine Lustre (Photo by Kristian Dowling)
Source: Getty Images

Kwento pa ni Nadine sa nasabing panayam, naranasan niyang masabihan ng suplada dahil hindi niya pinansin ang isang babaeng nadaanan niya. Aniya, hindi naman siya nito pinansin kaya hindi din siya namansin.

(Video starts at 8:45)

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong unang January, 2020.

Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.

Read also

Joey Marquez, ikinuwento ang kanyang pagiging janitor noon makatulong lamang sa ina

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel