Andi Eigenmann at kanyang pamilya, nagpasabog ng good vibes sa mga netizens

Andi Eigenmann at kanyang pamilya, nagpasabog ng good vibes sa mga netizens

- Sa simpleng bagay na ginagawa ng pamilya nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, marami ang natutuwa

- Kinagiliwan ang mag-anak na kadalasan ay nagbabahagi ng kanilang buhay sa isla ng Siargao

- Isang netizen naman ang nagpasalamat kay Andi matapos umano nitong pansinin siya nang mapadaan siya sa bahay nito at tinawag ang pangalan ng aktres

- Ayon sa nasabing netizen, masaya siyang nangitian siya ni Andi kahit saglit lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa mga simpleng bagay na ginagawa ng kanilang pamilya na ibinabahagi ni Andi Eigenmann sa social media, lalo silang hinangaan at minahal ng tao.

Marami sa mga netizens ang natutuwa na ang isang kagaya ni Andi na hindi lang minsang sumikat sa showbiz kundi nagmula din sa prominenteng pamilya ng mga artista ay namumuhay ng payak at masaya.

Andi Eigenmann at kanyang pamilya, nagpasabog ng good vibes sa mga netizens
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Andi sa isang Instagram post ang kanilang paglabas kasama ang kanyang mga anak at si Philmar Alipayo para magmiryenda.

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

Marami ang natuwa sa mga picture nilang mag-anak.

Samantala, isang netizen naman ang nagpasalamat kay Andi dahil umano sa pagngiti nito sa kanya nang tawagin niya ang aktres nang mapadaan ang kanyang sinasakyang tricycle sa tapat ng bahay nila Andi. Masaya na umano siyang nginitian siya ni Andi.

Thank you for smiling back at me nung napasigaw ako ng “Hi Andi!” sa tricycle nung nakita ko kayo ni Koa sa gate ng bahay nyo mga 3seconds bago ko napagtanto na nakakahiya sayo at muka akong ewan sorry na Ms. Andi ang saya ko lang talaga 1st day ko rin yun sa isla eh .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel