Jaclyn Jose, nais sumali sa buhay isla ng anak na si Andi Eigenmann
- Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn Jose
- Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya
- Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao
- Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bilang ina ay hindi maitago ni Jaclyn Jose ang kanyang tuwa sa masayang buhay pamilya ni Andi Eigenmann kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at mga anak nila.
Kaya naman sa isang post ni Andi ay kinaaliwan ng mga netizens ang komento nito kaugnay sa "masarap na buhay" ng mag-anak. Napatanong pa ito kung pwede ba siyang sumali.
Agad namang sinagot ni Andi ang kanyang nanay na sumunod na rin sa kanya sa Siargao. Maging ang mga netizens ay na-excite sa posibilidad na makasama nina Andi ang kanyang ina sa Siargao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay isang Pinay actress na ginawaran ng acting awards hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa. Ilan sa pinakasumikat niyang pelikula ay Private Show, White Slavery, and Santa Juana.
Siya ang ina ni Andi Eigenmann sa batikang aktor na si Mark Gil.
Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ngayong ay nasa Siargao kasama ang kanyang fiancé at mga anak.
Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.
Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa ngunit hindi tama ang gumamit ng mga salitang makakapanakit ng damdamin ng kapwa.
Source: KAMI.com.gh