Gigi De Lana, ipinasilip ang studio ng "Gigi Vibes" na nasa tapat lang pala ng kanilang bahay

Gigi De Lana, ipinasilip ang studio ng "Gigi Vibes" na nasa tapat lang pala ng kanilang bahay

- Ipinakita ng singer na si Gigi De Lana kung saan nagaganap ang live session nila ng "Gigi Vibes"

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, isinama niya ito sa studio na nasa tapat lamang ng kanilang tinitrahan

- Garahe pala ito ng kanilang manager at inayos lang nila para maging studio

- Maging si Karen ay nagulat gayung hindi naman ito kalakihan pero ang rehistro nito sa video ay bongga at parang nasa malakihang studio

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng viral singer na si Gigi De Lana ang studio kung saan ginaganap ang live sessions nila ng kanyang bandang 'Gigi Vibes.'

Sa panayam sa kanya ng kilalang news anchor na si Kren Davila na isa na rin ngayong YouTuber, ipinakita ni Gigi ang studio na nasa tapat lamang pala ng kanilang tinitirahang bahay.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Malaking bagay na accessible ang studio sa kanila lalo na at maging ang mga kabanda rin ni Gigi at nakatira pansamantala sa kanyang bahay bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Gigi De Lana, ipinasilip ang studio ng "Gigi Vibes" na nasa tapat lang pala ng kanilang bahay
Gigi De Lana (@gigidelana)
Source: Instagram

Nagulat si Karen nang makita na ang bonggang studio na mapapanood sa YouTube ni Gigi ay garahe pala ng bahay ng kanilang manager.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inayos lamang nila ito upang maging lugar kung saan sila tumutugtog at kumakanta lalo na ngayong pandemya.

Hindi raw ito kalakihan ngunit kung titingnan ang rehistro nito sa video, aakalaing isang bonggang production na ito.

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Read also

Gigi de Lana, nais tuparin ang lahat ng pangarap ng kanyang ina para sa kanya

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay kamakailan si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Sa panayam din sa kanya ni Karen Davila, naikwento niya ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ina na mayroong stage 2 breast cancer.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel