Singer na si Gigi De Lana, napagkaisahan ng kanyang mga ka-banda

Singer na si Gigi De Lana, napagkaisahan ng kanyang mga ka-banda

- Mabilis na nag-viral ang video ng mang-aawit na si Gigi De Lana matapos siyang pagkatuwaan ng kanyang mga ka-banda

- Sa halip na patapos na ang kanyang kinakanta, napagkaisahan siya ng kabanda na lalong itinaas ang tono ng kanyang pag-awit

- Wala namang reklamo si Gigi at tuloy-tuloy lang sa pagkanta habang tuloy-tuloy na itinataas ng kabanda niya ang pitch ng chorus ng awiting "Bakit nga ba Mahal Kita" na pinasikat ni Roselle Nava

- Napabilib naman ang kanyang kabanda na sa kabila ng ilang beses na pagtaas nila ng pitch ng awitin ay nakakaya pa rin ni Gigi na abutin ang matataas na nota

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang views ng video na ibinahagi ni Gigi De Lana sa kanyang Facebook account. Ito ang bahagi ng kanyang Facebook Live kung saan napagtripan siya ng kanyang mga kasama sa banda.

Read also

Nag-viral na ama sa jeep, hiling ang kalakasan para maalagaan pa rin ang anak na PWD

Singer na si Gigi De Lana, napagkaisahan ng kanyang mga ka-banda
Gigi De Lana,(@gigidelanaofficial)
Source: Instagram

Makikita sa nasabing video na habang patapos na ang pagkanta ni Gigi ng awiting Bakit Nga Ba Mahal Kita, sumenyas ang isa sa kanyang kabanda sa kasamahan nito na itaas nila ang pitch ng awitin.

Hindi naman ito inatrasan ni Gigi at tuloy lang din siya sa pagkanta kahit umabot pa sa maraming beses na iulit-ulit ang chorus ng kanta na unti-unting itinataas ang pitch.

Matapos ang kanilang live gig stream, ibinahagi ni Gigi ang bahaging iyon ng kanyang pag-awit at agad itong nag-viral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Naging defending champion siya at kinalaunana ay naging semi-finalist.

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli

Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Matatandaang isa sa pinakapinag-usapang contestant sa Tawag ng Tanghalan ay ang lalaking naki-yes to ABS-CBN shutdown. Humingi ito ng dispensa sa mga hosts at sa lahat ng taong kanyang nasaktan dahil sa kanyang mga nasabi noon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel