Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

- Umani ng papuri ang ina sa viral video na talagang sinamahan pa ang anak para sa ipapasa nitong activity sa paaralan

- Folk dance ang huling 'performance task' ng anak sa subject na Physical Education

- At dahil babae ang kailangan nitong kapares sa video, hindi nagdalawang isip na samahan ang anak

- Ayon sa ina, hindi raw niya matiis na pabayaan ang anak sa pag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng mag-inang sina Anne Marie at anak nitong si Rheyn Anthony Manzano na nagsasayaw ng 'Folk Dance'.

Nalaman ng KAMI na para ito sa huling 'performance task' ni Rheyn sa subject na Physical Education (P.E.)

Kwento ni Anne Marie, hindi umano niya matiis na pabayaan ang anak niyang nasa ikalimang baitang na sa pag-aaral nito lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan
Sina Mommy Anne Marie at Rheyn (Photo from Anne Marie Cachuela Manzano)
Source: Facebook

Kinakailangan kasi ng babae na makakapares ni Rheyn para sa sayaw. At hindi naman nagdalawang isip ang ina na samahan ang anak sa video na naipasa naman nila sa tamang oras.

Todo costume din sila upang maipakita na talagang nag-effort sila sa kanilang gawain.

Umani ng papuri si Anne Marie at sinabing masuwerte ang anak nitong si Rheyn dahil sa pagmamahal at suportang ibinubuhos ng ina.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Ganyan dapat mga mommies, 'wag yung kayo lang ang gagawa for them, mas magandang samahan niyo sila!"
"Nakakatuwa itong nanay na ito, talagang sinuportahan ang kailangan ng anak sa school"
"Game na game si Mother! swerte ng anak niya kasi full support ang nanay ganyan dapat"
"Kung ako ang teacher nito, hindi lang perfect ang ibibgay kong score sa kanila. Exceeds Expectations po!"

Narito ang kabuuan ng panayam ng ABS-CBN News kay Mommy Anne Marie:

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 5 nang magsimula ang panuruang taon 2020-2021 dala ng matinding pag-iingat para sa ating mga estudyante upang makaiwas sa COVID-19. Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Kagawaran ng Edukasyon na hanggang Hulyo 10 na lamang ang klase ng mga pampublikong paaralan.

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi niya pahihintulutan ang face-to-face classes hanggang wala pang bakuna na nakararating sa bansa kung saan mabibigyan na rin ang mga guro at mag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica