Zeinab Harake, pinag-shopping at 'nagpa-buy all you can' sa kanyang Team Zebby

Zeinab Harake, pinag-shopping at 'nagpa-buy all you can' sa kanyang Team Zebby

- Ipinamili ni Zeinab Harake ang kanyang Team Zebby sa muli nilang pagsasama-sama sa labas

- 'Buy all you can' ang ginawa ni Zeinab sa loob ng isang minuto para sa kanyang Team Zebby na binubuo ng pitong tao

- Talagang naghakot ng mga damit ang kanyang mga kasama na umaabot sa Php14,000 hanggang sa mahigit Php20,000 ang napamili ng bawat isa

- Ayon kay Zeinab, hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito para sa kanyang team dahil tuwing nagsa-shopping siya, ipinamimili rin niya ang mga kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas ang pagiging galante at mapagbigay ng YouTube Star na si Zeinab Harake.

Sa kanyang video na inilabas ngayong Hulyo 19, makikita kung gaano niya ka-love ang kanyang Team Zebby.

Sa muli nilang pagsasama-sama sa labas, pinagshopping niya ito at 'buy all you can' talaga ang kanyang ginawa sa mga kasama sa loob ng isang minuto.

Read also

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

Zeinab Harake, pinag-shopping at 'nagpa-buy all you can' sa kanyang Team Zebby
Photo: Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa pito niyang mga kasama, isa-isa niya itong pinapasok sa isang clothing line at binigyan niya ito ng isang minuto upang damputin ang lahat ng nanaisin at siya ang bahalang magbayad.

Tuwang-tuwa ang kanyang mga 'Zebbies' na talang naghakot ng lahat ng maari nilang kunin gayung si Zeinab ang bahala sa mga ito.

Umabot sa Php14,000 hanggang sa mahigit Php20,000 ang bill ng bawat isa ngunit lahat ng iyon ay binayaran ni Zeinab.

Kwento pa ng vlogger, noon pa man, ganoon na raw talaga siya sa mga kasama dahil tuwing siya ay mamimili, gusto niyang bilhan din ang mga ito.

Umabot sa mahigit halos Php200,000 ang kabuuan ng binayaran ni Zeinab dahil ipinamili rin niya ang mga hindi nila nakasama at naiwan lang sa kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW na nakaligtas sa COVID-19, nagpasalamat sa pag-aalaga ng mabait na amo

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.7 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng one-month-old baby niya na si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel