Zeinab Harake, napasabak sa pagsasalita ng 'English' sa pinakabagong vlog

Zeinab Harake, napasabak sa pagsasalita ng 'English' sa pinakabagong vlog

- Game na game si Zeinab Harake sa pagsasalita ng wikang Ingles sa kanyang pinakabagong vlog

- Gumawa siya ng Q and A kung saan salitang Ingles niya sinasagot ang ilang makukulit na tanong sa kanya ng kanyang mga followers

- Aminado si Zeinab na hindi umano siya gaanong mahusay sa Ingles at nahihirapan din siya sa pagsasalita nito

- Pansin naman ng kanyang mga kasama sa vlog na marunong ito ngunit dinadaan lamang niya sa pagpapatawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nakipagkulitan si Zeinab Harake sa kanyang mga followers dahil "English Only" ang kanyang ginawa sa pinakabago niyang vlog ngayong Hulyo 15.

Nalaman ng KAMI na isang Q and A ang ginawa ni Zeinab ngunit sinasagot niya ang mga katanungan ng kanyang followers sa wikang Ingles.

Aminado kasi ang YouTuber na hindi umano siya ganoon kahusay magsalita ng naturang wika.

Read also

Sam Pinto, pinabulaanan ang ilang komento na nagpa-fillers siya

Zeinab Harake, napasabak ng pagsasalita ng 'English' sa pinakabagong vlog
Photo: Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

"Oh my God! I think my career will end at this moment," pabirong sabi pa ni Zeinab.

Subalit ayon nga sa mga kasama niya sa vlog, marunong naman ito at ginagawa na lamang niya itong katatawanan.

Kwento pa ni Zeinab, maaring makapagsulat pa umano siya ng mga 'essay' sa wikang Ingles, subalit hirap daw siya sa pagbigkas ng mga English words.

Matatandaang minsan na nilang ginawa ito ng kanyang kaibigang si Loisa Andalio kung saan makikita ang kakulitan ng dalawa 'pag nagsama.

Gayunpaman, ginagawa raw ito ni Zeinab para mapasaya ang kanyang mga 'Zebbies' dahil ito rin umano ang nakakapagpaligaya sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanya mismong YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.6 million YouTube subscribers.

Read also

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng one-month-old baby niya na si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Matatandaang sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin nitong siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si "Bia," naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel