Sam Pinto, pinabulaanan ang ilang komento na nagpa-fillers siya

Sam Pinto, pinabulaanan ang ilang komento na nagpa-fillers siya

- Sa kanyang ibinahaging video sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga paboritong beauty products, ilang netizens ang hindi napigilang magtanong tungkol sa kanilang napansin kay Sam

- Ilan sa kanila ang napatanong kung ano ang nangyari sa lips nito at kung nagpalagay ba siya ng fillers sa kanyang labi

- Agad namang pinabulaanan ni Sam iyon at sinabing bawal ang magpalagay ng fillers dahil siya ay nagdadalan-tao

- Matatandaang kailan lang ay isinapubliko ng mag-asawang Sam at Anthony Semerad ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ni Sam Pinto na sagutin ang mga netizen na pumuna sa kanyang preggy look. Ito ay upang linawin na hindi siya nagpalagay ng lip fillers kagaya ng hinala ng mga ito. Aniya, natural niyang mukha iyon lalo at bawal siyang magpagawa ng kung ano-ano dahil kasalukuyan siyang buntis.

Read also

Zeinab Harake, napasabak sa pagsasalita ng 'English' sa pinakabagong vlog

Sam Pinto, pinabulaanan ang ilang komento na nagpa-fillers siya
Photo from Sam Pinto Semerad (@sampinto_)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, hanggang facial lang ang pwede sa kanya at maituturing na ligtas para sa kanyang kalagayan.

It is all natural girl. I’ve been pregnant for way too long. I can’t do anything. Hangang facial lang ako.

Kasalukuyang nagdadalangtao ang aktres sa panganay nila ng kanyang asawang si Anthony Semerad.

Samantala, ilang netizens naman ang nagtanggol kay Sam at nagsabing hindi tama na punahin pa ng iba ang itsura ni Sam dahil normal umano sa mga nagdadalang-tao ang pagkakaroon ng pagbabago.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sam Pinto ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Double Up. Taong 2011 at 2012 nang nanguna siya sa FHM Philippines'list.

Matatandaang kamakailan ay ikinasal sina Sam at Anthony sa isang civil ceremony kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Read also

Liezel Lopez, sinabing nakipaghiwalay na kaya hindi kasama sa Bohol

Nauna nang ibinahagi ng aktres na dalawang beses ang magiging kasal nila. Matapos ang kanilang civil wedding ay ikakasal pa silang muli para naman makadalo ang iba pa nilang mga mahal sa buhay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel