Liezel Lopez, sinabing nakipaghiwalay na kaya hindi kasama sa Bohol

Liezel Lopez, sinabing nakipaghiwalay na kaya hindi kasama sa Bohol

- Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa bali-balitang magkasamang muli sina Kristoffer Martin at ang ina ng anak niyang si AC Banzon

- Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang kanilang mga pictures sa Instagram na ayon sa mga netizens ay nasa iisang lugar lang

- Lalong naging maingay ang usap-usapan tungkol dito matapos sagutin ni Liezel Lopez ang mga katanungan ng ilang netizens sa kanyang ibinahaging TikTok video

- Wala namang binanggit na pangalan si Liezel ngunit sinabi nito na nakipaghiwalay na siya kaya hindi siya kasama sa Bohol na pinagplanuhan umano nila noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naintriga sa mga naging pahayag ng GMA actress na si Liezel Lopez sa kanyang ibinahaging TikTok video kung saan naitanong sa kanya kung bakit hindi siya kasama sa Bohol.

Leizel Lopez, hindi inatrasan ang mga tanong kung bakit hindi daw siya kasama sa Bohol
Leizel Lopez (@liezel.lopez)
Source: Instagram

Walang binanggit na pangalan si Liezel ngunit sinabi niyang nakipaghiwalay na umano siya. Si Kristofer Martin ang napabalitang huling karelasyon niya. Matatandaang naging kontrobersiyal pa ang kanilang relasyon dahil sa masalimuot na paghihiwalay nina Kristoffer at ina ng anak niya.

Read also

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

Samantala, sa Instagram account nila Kristoffer at AC, marami ang naniniwalang magkasama sila dahil sa pagkakahawig ng background sa mga picture na kanilang ibinahagi sa social media.

Liezel Lopez, hindi inatrasan ang mga tanong kung bakit hindi daw siya kasama sa Bohol
Liezel Lopez/TikTok (@liezel.lopez)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kristoffer Martin ay unang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa singing contest na Little Big Superstar. Naging bahagi din siya ng mga palabas kagaya ng Boy & Kris, ASAP '08 , Wowowee at Kung Fu Kids.

Naging emosyonal siya nang aminin ang tungkol sa kanyang pagiging ama. Naging dagok din para sa aktor nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang pamilya noong 2020.

Matatandaang tahasang inamin ni Kristofer Martin ang tungkol sa kanilang relasyon kasunod ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ng ina ng kanyang anak at dating karelasyon na si AC Banzon.

Read also

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

Naging mainit ang kanilang patutsadahan matapos magsalita ni Banzon patungkol sa paghihiwalay nila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel