OFW na nakaligtas sa COVID-19, nagpasalamat sa pag-aalaga ng mabait na amo

OFW na nakaligtas sa COVID-19, nagpasalamat sa pag-aalaga ng mabait na amo

- Nakaligtas sa COVID-19 ang isang kababayan nating OFW sa Saudi Arabia

- Aminado man siyang labis siyang nangamba sa kanyang naging sitwasyon, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang amo

- Iniisip niya rin kasi ang mga anak na kanyang binubuhay kaya naman pinilit niyang lumaban at siya nga ay gumaling

- Tulad ng ibang mga OFW, matinding sakripisyo talaga ang kanyang ginagawa masiguro lamang ang mas magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng overseas Filipino worker na si Jeanny Marco ang buhay niya sa Saudi Arabia lalo na nang lumaganap ang COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nagpositibo sa nasabing virus si Jeanny ngunit nalampasan naman niya ito.

43-anyos na si Jeanny at limang taon na siyang nasa abroad.

OFW na nakaligtas sa COVID-19, nagpasalamat sa pag-aalaga ng mabait na amo
Photo: Jeanny Marco
Source: UGC

Masasabing maswerte raw siya sa kanyang mga amo na mababait at hindi madamot lalo na pagdating sa pagkain.

Read also

Senior HS, nagbenta ng artworks para maka-graduate; mabibigyan pa ng scholarship

Napatunayan din daw niya ito nang tamaan siya ng COVID-19. Kinakitaan daw niya talaga ng pagmamalasakit ang kanyang mga amo hanggang sa tuluyan siyang gumaling.

Sampung araw din umano siyang na-quarantine at sa loob ng mga araw na iyon, ang amo niya ang nagbibigay sa kanya ng pagkain at gamot.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Jeanny sa mga amo lalong lalo na at nais niya talagang gumaling para sa kanyang pamilya na siya lamang ang inaasahan.

"Nag-positive po ako sa COVI.thanks God ok na po ako ngayon at saka sobrang hirap po kasi ang baba ng palitan sa peso. Medyo masakit sa katawan may sipon at ubo. 10 days quarantine ko po. Inom lang po ako lemon at luya tatlong beses sa isang araw pag inom ko po. Dasal din para gumaling agad po ako. Alaga naman po ako ng amo ko po, binilhin po ako vitamins at gamot. Thanks God nalampasan ko po."

Read also

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na nakapagpatayo na muli ng bagong tahanan na minsan nang nasira dahil sa bagyong Yolanda. Ito umano ay dahil sa mabait at galante niyang amo na hindi naging madamot sa kanya.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica