OFW na may galanteng amo, nagpapatayo na ng bahay at mayroon nang mga negosyo

OFW na may galanteng amo, nagpapatayo na ng bahay at mayroon nang mga negosyo

- Isang kababayan natin na nasa Taiwan ang nakamamanghang nakapagpundar na ng mga ari-arian

- Kahit na natupok ang bahay nila noon ng Bagyong Yolanda, nagpapagawa muli sila ng bago at masasabing mas magandang tahanan

- Bukod dito, dalawang pwesto na ng paupahan ang meron siya na siyang pinagkukunan ng allowance ng kanyang pamilya

- Pinakabagong proyekto nilang mag-asawa ang piggery at sa pag-uwi niya sa Pilipinas, balang araw, balak niyang magtayo ng mini-grocery

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang diskarte sa buhay ng overseas Filipino Worker na si Cynthia Padernal na kasalukuyang nasa Taiwan.

Nalaman ng KAMI na masuwerte sa kasalukuyang amo si Cynthia dahilan upang mas maayos siyang nakakaipon at nakalilikom ng pera upang palaguin ang kanilang negosyo at dagdagan ang mga ari-arian.

Read also

Darren Espanto, natutunang huwag umasa sa teleprompters sa live performance

Kwento ni Cynthia, 12 taon na siyang nangingibang bansa. Masasabing masinop siya lalo na pagdating sa pera na siyang naging daan para makapagpundar ng dalawang paupahang pwesto na pinagkukunan ng allowance ng kanyang pamilya.

OFW na may galanteng amo, nagpapatayo na ng bahay at mayroon nang mga negosyo
Ang ipinatatayong bahay ng caretaker sa Taiwan na si Cynthia. (Photo: Cynthia B. Padernal)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaranas man ng may kalupitang amo, laking pasalamat niya ngayon ay maayos ang kanyang napasukan kaya't balak niyang mag-recontract doon.

Sa ngayon patuloy ang pagpapagawa niya ng kanilang bahay sa tulong ng kanyang mister.

Pinakabagong proyekto nilang mag-asawa ang piggery na nais din nilang palaguin.

Pagdating ng araw na nais na niyang bumalik sa Pilipinas at hindi na muling mangingibang-bansa, pinaghahandaan nila ang pagkakaroon ng mini-grocery.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cynthia na kanyang naibahagi sa KAMI:

"In reality iba talaga 'pag makapagtrabaho ka abroad. Aangat estado ng buhay niyo, makakatulong ka pa sa pamilya sa mga kapatid sa pag aaral nila at matulungan din sila sa pag abroad. Pero kailangan maging wais ka humawak ng kinita mo wag 'yung waldas at gastos kaliwa kanan. Ako po sa totoo lang kung itabi sa ibang nag-aabroad, napaka ordinaryo lang pananamit ko di tulad ng karamihan na may magandang gamit. Ako, wala po. Saka na 'pag matapos na lahat ng mga plano namin bibilhin ko din mga gusto ko. Ipon muna at. unahin kung ano mapagkakitaan.

Read also

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

Pag uwi ng Pinas for good, may planong magpatayo ng Mini-Grocery sa tapat ng bahay.
Para pag-uwi, may dadatnan na mapagkuhanan. Sa hirap ng buhay sa Pinas. May edad na po kaya pag-uuwi, dapat secure na lahat."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica