Darren Espanto, natutunang huwag umasa sa teleprompters sa live performance
- Ibinahagi ni Darren Espanto na isa umano sa pinakanatutunan niya sa kanyang naging karanasan ay huwag umasa sa teleprompter
- Ito ay matapos magloko ang teleprompter sa kanyang live performance sa ASPA Na'tin To Stage
- Ipinagtanggol naman siya ng ilang mga kasamahan at nilinaw na kasama dapat niya si Gary Valenciano ngunit absent umano ito kaya kinailangan niyang kantahin iyon ng solo
- Pinasalamatan naman ni Darren ang mga kasamahan na todo tanggol sa kanya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang naganap sa kanyang liver performance sa ASAP Natin'To, napagtanto umano ni Darren Espanto ang isang malaking aral na kanyang natutunan. Ito ay ang huwag umasa sa teleprompter.
Ito ay kaugnay sa kanyang live performance na hindi niya nakanta nang maayos ang lyrics matapos magloko ang teleprompter. Hindi naman ito napanghinaan ng loob at tuloy pa'rin sa pagsayaw kahit wala siyang masyadong nakanta.
Gayunpaman, nilinaw ng kanyang mga kasamahan na dapat ay kasama niya si Gary Valenciano sa nasabing number. Gayunpaman, dahil absent si Gary ay kinailangan niyang kantahin iyon nang solo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Todo pasalamat naman ang binata sa mga kasamahang nagpagaan ng loob niya at nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga komento kaugnay sa kanyang naging performance.
Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.
Naimbitahan si Darren bilang guest performer sa grand finals ng Singer 2019 sa China noong April 2019. Isa din siya sa napili ng Disney para kumanta ng resndition ng "A Whole New World" kasama si Moristte Amon bilang bahagi ng promotion ng pelikulang Aladdin noong May 2019.
Kamakailan ay ginulat ni Darren ang netizens sa kanyang mga pictures kung saan makikitang binata na siya.
Samantala, mariing pinabulaan ni Lyca Gairanod na nainggit siya sa career ni Darren sa kasalukuyan.
Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.
Source: KAMI.com.gh