Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

- Aminado si Jeric Raval na malaking hamon sa kanya ang gumanap bilang isang bading sa pelikula

- Lalo na at nakilala siya sa kanyang astig na mga pagganap sa mga action films noong araw

- Gayunpaman, maayos na nagampanan ng batikang action star ang kanyang karakter sa kanyang bagong pelikulang "Barumbadings"

- Kinalaunan umano ay na-enjoy naman niya at ng mga kasamahan niya ang kanilang mga karakter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang kilalang astig na action star, malaking hamon kay Jeric Raval ang gumanap bilang isang bading sa pelikula kung saan kailangan niyang magsuot ng mga damit pambabae at maging ng stiletto.

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula
Jeric Raval at AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Sa isang panayam ng PUSH sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang Barumbadings, inamin ng action star na hindi naging madali sa kanya ang mag-adjust lalo na pagdating sa kung paano siya gumalaw.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Bilang sanay sa kanyang mga pagganap, nahirapan umano siya kung paano kumilos ng malambot at kung paano magsalita ng medyo malambot.

Gayunpaman, sinubukan niya umanong paghandaan ang gumawa ng fight scenes nang naka-stiletto. Aniya, kahit challenging ay hindi naman siya nagkamali sa pagtanggap sa nasabing pelikula ng Viva Films na isinulat at idinirek ni Darryl Yap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang ulat ng Abante, makakasama ni Jeric sina Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler at Joel Torre sa naturang pelikula.

Suportado din ng anak niyang si AJ ang nasabing pelikula. Sa katunayan ay binahagi niya ang isang promotional post para sa pelikula ng ama.

Kahit mag-isa umano siya ay sinanay niya ang sariling magsuot ng stiletto. Aniya, naalibadbaran siya sa pagsuot ng mga pambabaeng kasuotan noong una. Naging tanong din umano sa kanya kung irespeto pa rin ba daw siya ng kanyang mga tagahanga kapag napanood siya.

Read also

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Kinalaunan umano ay na-enjoy naman niya at ng mga kasamahan niya ang kanilang mga karakter.

Una siyang nakilala sa pelikula ni Manoy Eddie Garcia na Valentin Zapanta Alyas Ninong: Ang Huling Kilabot ng Tondo kung saan gumanap siya bilang isa sa mga bata ni Ninong at ang kanyang kauna-unahang pelikula in a lead role ay ang Kalabang Mortal ni Baby Ama kasama sina John Regala at Willie Revillame.

Matatandaang naging kontrobersiyal kamakailan ang anak niyang si AJ Raval matapos itong maiugnay kay Aljur Abrenica kasunod ng paglabas ng mga pictures nilang magkasama. Bilang ama ni AJ, kinausap niya din umano si Aljur.

PAALALA: Kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel