Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

- May sagot si Rico Blanco sa fan na nagawang punahin ang kanyang suot na damit kamakailan

- Suot ni Rico ang plain black shirt ngunit mapapansing black 'baggy pants' ang kanyang pang-ibaba

- May dala rin itong shoulder bag na marahil napansin din ng kanyang fan

- Sa kabila ng pamumuna, 'bestfriend' pa rin ang tawag ni Rico sa fan niya na ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na sinagot ni Rico Blanco ang isang komento sa kanya ng fan patungkol sa kanyang pananamit.

Nalaman ng KAMI na nagbahagi ng bagong post si Rico kung saan makikita ang kanyang suot na plain black t-shirt, baggy pants at shoulder bag.

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit
Rico Blanco kasama ang girlfriend na si Maris Racal (@ricoblanco100)
Source: Instagram

Isa sa kanyang mga fans ang lakas-loob na pinuna ang kanyang naturang outfit.

"Idol parang nagiging silahis na pormahan mo ah!"

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan din sa kanyang mga fans ay hindi nagustuhan ang naturang komento na nakuha pang ipagtanggol ang kanilang idolo.

Gayunpaman, maayos pa rin itong sinagot ni Rico at tinawag pa rin niyang "bestfriend" ang netizen na siyang tawag niya sa kanyang mga fans at followers.

"Lawakan natin isip natin bestfriend"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Rico Blanco ay isa sa mga kilalang OPM singer na nagpasikat ng mga kantang Yugto, Your Universe and Antukin. Una siyang naging bahagi ng bandang Rivermaya kung saan bokalista nila noon si Bamboo.

Lalong gumawa ng ingay kamakailan sa music scene si Rico nang aminin nila ni Maris Racal ang real-score sa kanilang relasyon.

Kapansin-pansin na marami ang natuwa at kinilig sa kanilang pag-amin sa kabila ng agwat nila sa edad. Kitang-kita na nagkakasundo ang dalawa sa maraming bagay lalo na pagdating sa musika kung saan pareho silang nabiyayaan ng talento.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Kamakailan, nagpakilig ang dalawa sa mga netizens nang konsultahin ni Rico si Maris tungkol sa kanyang DIY na haircut. Kitang kita namang nagustuhan ito ng singer-actress at sinabing aprubado niya ang bagong hairstyle ng boyfriend.

Nais na ipaalala ng KAMI na sa kabila ng ating kalayaan sa pagbibigay ng samu't-saring mga komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa ating kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel