Rico Blanco, pinakilig ang GF na si Maris Racal sa kanyang DIY haircut

Rico Blanco, pinakilig ang GF na si Maris Racal sa kanyang DIY haircut

- Ibinahagi ni Rico Blanco kung paano niya ginawa ang kanyang DIY haircut

- Huling pagpapagupit niya ng buhok ay bago pa ang pandemya at plano niya sanang magpagupit matapos ito

- Subalit napapansin niyang tila tumatagal ang pandemic kaya naman nagdesisyon siyang gupitan na ang sariling buhok

- Siyempre, kumunsulta muna siya sa kanyang 'madam' sa kung anong gusto nitong hairstyle para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa bagong vlog ni Rico Blanco ngayong September 26 sa kanyang YouTube channel, ipinakita niya ang kanyang DIY haircut.

Nalaman ng KAMI na naganap ito bago ang ikalawang guesting nila sa ASAP kasama ang girlfriend na si Maris Racal.

Kwento ni Rico, bago pa magpandemic nang huli siyang nagpagupit ng buhok. Plano niya sanang pagupitan ito pag natapos na ang pandemya.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Rico Blanco, pinakilig ang GF na si Maris Racal sa kanyang DIY haircut
Rico Blanco kasama ang girlfriend na si Maris Racal (@ricoblanco100)
Source: Instagram

Subalit sa nakikita raw niya sa mga nangyayari sa atin sa ngayon, tila tatagal pa rin ito kaya minabuti na niyang gupitan ang sariling buhok.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siyempre, kinunsulta niya ang kanyang 'madam' girlfriend na si Maris Racal kung ano ang nais nitong haircut para sa kanya.

Umorder pa ng hair scissors si Rico para maisakatuparan ang DIY haircut niya.

Maging ang mga netizens ay nagulat sa kinalabasan nito na animo'y nagpagupit talaga ito sa isang hairstylist.

Lalo na ang kanyang girlfriend na si Maris na hindi maitago ang kilig nang makita ang bagong hairstyle ng nobyo.

"Hindi ma-contain ng heart ko... Girlfriend approved!" aniya.

Nitong Mayo, inamin ni Maris ang totoong namamagitan sa kanila ni Rico Blanco na madalas na niyang nakakasama sa paggawa ng mga kanta.

Read also

Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata

Mula noon, madalas na lalo silang makitang magkasama ni Rico maging sa mga kanilang mga social media post. Maging ang mga netizens ay kinilig sa dalawa sa kabila ng 25 na taong age gap ng mga ito.

Matapos din ang rebelasyon, inamin na rin ni Maris na bago pa man ang pandemya ay nabuo na ang pagkakamabutihan ng relasyon nila ni Rico.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel