Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanilang pantry sa kanilang bahay sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel

- Pinasalamatan niya ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo dahil siya umano ang nagpagawa sa kanyang kusina

- Bilang isang artista, aminado naman si Angeline na apektado din ang kanyang hanapbuhay

- Kaya naman, sila sa kanilang bahay ay natuto na rin mag-tipid maging sa kanilang pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog, hindi kinaligtaan ni Angeline Quinto na pasalamatan si Dra, Vicki Belo dahil ito umano ang nagpagawa ng kanyang kitchen kung saan naroroon ang kanyang pantry. Pinasilip niya ito sa mga netizens sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Inisa-isa niyang pinaliwanag ang mga bagay na naroroon sa kanyang pantry at nagbigay din siya ng mga tips sa kanyang mga viewers.

Aniya, huwag umano mag-grocery kapag gutom dahil mapaparami ng bibilhin kahit yung mga bagay na hindi masyadong importante.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Ayon kay Angelyn, isa sa most requested ng kanyang viewers na ipakita niya ang laman ng kanyang pantry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ito sa most requested since nag start ang channel ko kaya naman this time ire-reveal ko na ang laman ng pantry sa bahay! Di naman kalakihan pero siksik sya sa mga kailangan araw araw sa kitchen at dining so guys enjoy the vlog!

Samantala, marami naman sa mga subscribers niya ang bumilib sa pagiging simple at practical ni Angge.

Tama po kayo Mam Angeline. Simple pero kumpleto na pantry the best na. Nakabudget kana wala pang nasayang . Practical dapat. More Vlogs po.
Simple, maganda, and maayos. I love it
Very practical and simple.

Si Angeline Quinto ay isa sa pinaka-sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Isa din si Angeline sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube videos nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel