Chad Kinis, naloka sa nakitang pustiso sa ref ni Angeline Quinto

Chad Kinis, naloka sa nakitang pustiso sa ref ni Angeline Quinto

- Pinasalamatan ni Chad Kinis si Angeline Quinto sa pagpayag nito sa ref raid na ibinahagi ni Chad sa kanyang YouTube channel

- Isa-isang pinakita at pinaliwanag ni Angge ang mga bagay-bagay na naroroon sa loob ng kanyang ref

- Gayunpaman, ikinagulat ni Chad nang makakita siya ng pustiso sa loob ng ref ng singer

- Paliwanag ni Angge, sa kanyang kasama sa bahay iyon at kaya daw nilagay doon ay para hindi lumuwag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa-isang pinakita ni Angeline Quinto ang laman ng kanyang ref sa kanyang kaibigang si Chad Kinis. Sa YouTube channel ni Chad, ibinahagi niya ang bagong video kung saan ipinakita niya ang kanyang ref raid sa bahay ni Angge.

Chad Kinis, naloka sa nakitang pustiso sa ref ni Angeline Quinto
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Isa-isa namang pinaliwanag ni Angeline ang mga naroroon sa kanyang ref kabilang na ang mga inumin niya. Mahilig siya sa hot tea at mga juice.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Ikinagulat naman ni Chad nang makakita siya ng pustiso sa loob ng ref. Nilinaw naman ni Angge na ang may-ari niyon ay ang kanyang kasama sa bahay.

Kaya daw nilagay iyon sa kanilang ref ay para hindi lumuwag.

Biro naman ni Chad, baka maihalo sa bulalo ang pustiso lalo at nakalagay iyon malapit sa mga gulay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel