Beks Battalion, sinadyang pabahuin ang hininga nila para i-prank si Angeline Quinto

Beks Battalion, sinadyang pabahuin ang hininga nila para i-prank si Angeline Quinto

- Kinaaliwan ang prank ng Beks Battalion sa kanilang malapit na kaibigang si Angeline Quinto

- Ang nakatakda sanang voice lessons nila sa binansagang Philippines’ Power Diva ay nauwi sa tawanan matapos nilang sadyaing kumain ng maamoy na pagkain

- Sinadya din nilang bumuga ng hangin habang kumakanta upang makita ang reaksiyon ni Angge

- Sinubukan naman ni Angeline na tiisin ang kanyang naamoy ngunit kinalaunan ay sinabi niyang mabaho ang kanilang hininga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Puno ng katatawanan ang vlog na ibinahagi ng Beks Battalion kung saan ang kanilang voice lesson sana kay Angeline Quinto ay naging prank.

Sinadya nilang kumain ng mga pagkaing maamoy kagaya ng danggit at dilis. Ngumuya pa sila ng sibuyas at bawang upang lalong mangamoy ang kanilang hininga.

Beks Battalion, sinadyang pabahuin ang hininga nila para i-prank si Angeline Quinto
Beks Battalion (@beksbattalionshop)
Source: Instagram

Unang sumabak si Chad Kinis sa vocalization. Agad na napatakip ng ilong si Angeline dahil sa pagkabigla niya. Ganundin ang kanyang naging reaksiyon kina Lassy at MC.

Read also

Carla Abellana, ibinahagi ang naging reaksiyon ng kanyang ama na engaged na siya

Gayunpaman, pinilit nilang nagsipilyo sila at gumamit pa ng mouthwash.

Upang hindi ma-offend, kitang-kita na tiniis ni Angge na huwag ipakitang apektado siya sa kanyang naamoy.

Natawa na lamang siya nang sabihin nilang pranks lamang iyon at sinadya nilang kumain ng maamoy na pagkain para makita nila ang kanyang magiging reaksiyon sa kanilang prank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel