Carla Abellana, ibinahagi ang naging reaksiyon ng kanyang ama na engaged na siya
- Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Carla Abellana ang ilang ginawang paghahanda nila ni Tom Rodriguez para sa kanilang kasal
- Naikwento rin nila ang tungkol sa pagpapaalam nila tungkol sa kanilang engagement sa ilang mga taong malalapit sa kanila kabilang na sa tatay ni Carla
- Hindi na nakuhanan ni Carla ng video ang aktwal na pagpapaalam nila sa ama niya ngunit binati naman umano sila nito
- Matatandaang naibahagi ng ama niyang si PJ Abellana na matagal na niyang hindi nakakausap ang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ayon kay Carla Abellana, natahimik saglit ang kanyang ama matapos nilang sabihin ni Tom Rodriguez nang personal ang tungkol sa kanilang engagement na kanilang ipinakita sa bagong vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.
Gayunpaman, hindi na umano niya nakuhanan ng video ang reaksiyon ng daddy niya. Binati daw sila nito at marami silang napag-usapan dahil medyo matagal na hindi sila nagkita.
Ipinakita din ni Carla sa nasabing vlog ang ilan pang naging paghahanda nila para sa kanilang pag-iisang dibdib.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na Rosalinda noong taong 2009.
Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyong si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.
Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.
Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh