Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

- Sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan, hindi nagbabago ang viral online seller na si Madam Inutz pagdating sa kanyang pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang ina

- Isa sa kanyang naibahagi sa mga naunang video niya ay kung paano niya alagaan ang kanyang pinakamamahal na ina

- Dahil bedridden na ito, sinisigurado nilang maiba ang posisyon ng kanyang ina upang hindi magkaroon ng bed sores

- Kaya naman, laking pasalamat niya nang may nag-sponsor ng bagong recliner para sa kanyang nanay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maipagkakailang isa sa minahal ng tao kay madam Inutz ay ang pagiging mapagmahal na anak nito sa kanyang nanay na hindi na nakakatayo.

Isa umano ito sa dahilan kung bakit nagsumikap siyang makapagbenta para maibigay ang lahat ng pangangailangan nito.

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina
Wilbert Tolentino and Daisy Lopez (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sa kanyang biglang pagsikat, hindi nito kinakaligtaan ang kanyang pinakmamahal na ina at lagi pa rin niya ibinabahagi kung gaano niya ito ka mahal.

Read also

K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya

Aniya, isa sa nagpapasaya sa kanya ay makita ang ngiti ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maliban sa mga suporta ninyo, isa sa mga nagpapasaya sa akin ang ngiti ng aking ina.️ Bawat galak niya ay lakas ng aking sakripisyo sa buhay. Magantay ka lang ng kaunti at mapapa-therapy na kita‼️‼️ kaya kayo huwag niyong kalimutan tumawa at ngumiti ng gumaang gaang ang buhay

Ibinahagi din niya ang kanilang picture na mag-ina kung saan makikitang masaya ang kanyang ina na nakaupo sa bagong recliner na ibinigay sa kanya ng isang sponsor.

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Read also

Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel