Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay

Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay

- Naikwento ni Baron Geisler kung paano nakatulong ang kanyang pamilya sa patuloy niyang pagbabagong buhay

- Tatlong taon na umano siyang namumuhay ng maayos kapiling ng kanyang mag-ina taliwas sa bad boy image niya noon

- Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa rehab ngunit matapos ang ikapitong beses sa pagkakapasok niya roon, doon niya naisip na tuluyang baguhin ang pamumuhay

- Nais din kasi niyang maging mabuting ehemplo sa kanyang anak upang maayos niya itong mapalaki

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang nakakapansin ng maayos na takbo ng career ngayon ng aktor na si Baron Geisler.

Nalaman ng KAMI na naikwento nitong tatlong taon na siyang maayos na namumuhay kasama ang kanyang pamilya.

Sa panayam sa kanya ng Stories of Hope ng GMA News, naikwento ni Baron ang kanyang mga napagdaanan sa pagkakaroon noon ng 'bad boy image.'

Read also

K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya

Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay
Baron Geisler kasama ang kanyang anak na si Talitha (@baron.geisler)
Source: Instagram

Aminado siyang naging malaki ang kanyang ulo sa maagang pagtamasa ng tagumpay na tila lahat ng kanyang naisin ay napapasa-kamay niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit naging kaakibat nito ang pagkakalulong niya sa bisyo lalo na sa alkohol na naging dahilan umano ng pagkakasangkot niya sa mga gulo.

Naibahagi rin niya ang makailang beses na pagpasok niya sa rehab. Ngunit sa ikapitong beses, doon na siya nagdesisyong tuluyan nang baguhin ang takbo ng buhay.

Malaking bagay umano ang pagmamahal at suportang natatanggap niya mula sa kanyang misis na si Jaymee.

Sa kagustuhan din niyang maayos na mapalaki ang anak na si Talitha Cumi, sinisiguro rin niyang hindi na siya babalik pa sa kung anuman ang kanyang hindi naging magandang karanasan noon.

"Paano siya makikinig sa akin ngayon, habang pinapalaki ko siya, kung patuloy siya makakakita ng mga negatibo tungkol sa akin sa news?"

Read also

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

"A father needs to lead by example," dagdag pa ni Baron.

Sa ngayon, tatlong taon na umano siyang 'sober' na may kasamang pag-amin na paminsan-minsan ay nakararamdam din ng kahinaan.

Ngunit sa aspetong ito, pananampalataya naman niya sa Diyos ang kanyang nagiging sandigan upang hindi na bumalik sa mga iniwang bisyo noon.

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.

Isa rin si Baron sa mga aktor na gaganap sa 'Barumbadings' na pelikula rin ni Darryl Yap. Makakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel